Pagiging singer ni Belle Mariano aksidente lang, bumandera ang ganda ng boses sa videoke
Belle Mariano
“TEN years ago, I was just dreaming of this!” Ito ang inamin ni Belle Mariano patungkol sa kanyang first ever concert na may titulong “Daylight.”
“Like that little girl who’s just dreaming of this and now finally achieving and fulfilling her dreams grabe iba talaga ‘yng pakiramdam, I’m just so grateful na nabibigyan ako ng ganitong opportunity,” ang pahayag pa ng young actress sa kanyang digital mediacon kaninang tanghali.
Mapapanood ang “Daylight” sa Jan. 29 via KTX.ph at TFC IPTV mula sa ABS-CBN Events and Star Pop na ididirek ni Alco Guerrero.
Naikuwento muna ng host na si DJ Jhaiho na aksidente lang ang pagkakadiskubre sa pagiging singer ni Belle, salamat sa kaibigan niyang si Charlie Dizon at iba pang Rise artists matapos silang mag-videoke.
Nagsimula si Belle bilang child star sa “Goin Bulilit” pero hindi naman niya ipinarinig pa ang kanyang boses hanggang sa napasama na sa iba’t ibang shows at ang latest nga ay ang “He’s Into Her” series nila ni Donny Pangilinan na may second season na at ang pelikulang “Love is Color Blind” na top-grosser ngayon sa lahat ng pelikulang inilabas ng ABS-CBN Film Productions at Star Cinema.
View this post on Instagram
Ano ang nilu-look forward ni Belle sa una niyang concert considering na soldout na ang SVIP at VIP tickets nito?
“With this concert I just wanted to be light, I wanted to be intimate, I want everyone to connect even if you know virtually lang, gusto kong maramdaman ng mga manonood ‘yung theme, ‘yung ambiance ng place despite all the rains that happening, the struggles that’s happening in our lives you still have to seek for the daylight that’s the theme of the concert,” paliwanag ni Belle.
Natanong ang dalaga kung kumusta ang experiences niya sa panahong dumaan siya sa awkward stage at ano ‘yung panahong nakakita siya ng “light” sa kanyang career.
“The whole experience was a rollercoaster there were ups and downs, but for me kasi never ko pong hindi nakita ‘yung light ‘coz If I don’t seek for the light parang it means hindi ako passionate sa ginagawa ko, hindi ko love ‘yung ginagawa ko that’s why I always try to seek for the light even if it’s a low moment,” katwiran ni Belle.
Natanong din namin siya kung anong preparations ang ginawa niya para sa kanyang first concert, sino ang namili ng mga kanta at ano ang mas mahal niya, singing o acting.
“Ang hirap, in terms of singing or acting it’s so hard ‘coz because both of those I’m very passionate of as in growing up when I was a kid I used to sing and performed in front of my family, family reunion and I just remember too when it comes to acting naman, I’d watch my idols on TV, I used to watch Barney growing up and I just wanted me like them.
“Preparations naman po I had rehearsals with the band, had meetings with direk Alco (Guerrero), nag meet kami ng ideasm the writer. Nagma-match kami ng idea na we both wanted to intimate and mas maging connected lahat,” pahayag ng dalaga.
Tinanong amin siya kung sinu-sino ang musical influences niya dahil pinakinggan din namin ang album niya at medyo pareho sila ng boses ni Moira dela Torre bagay na hindi naman niya itinaggi na talagang idol niya ang kumanta ng “Paubaya.”
“Sa local po talaga si Ate Moira, I used to listen to her songs. Siya talaga ‘yung pag napapakinggan mo ‘yung boses talagang ang soothing and sa international naman Beyonce siguro. E, kasi siya ‘yung kinakanta ko sa videoke,” masayang tugon nito.
Anyway, available pa ang regular tickets ng “Daylight: The Concert” at magsisimula ang show sa ganap na 8 p.m. sa Jan. 29 at may replay kinabukasan, Janm 30, 11 a.m..
https://bandera.inquirer.net/297379/belle-mariano-sinupalpal-ang-netizen-na-nagsabing-hindi-siya-maganda
https://bandera.inquirer.net/302378/belle-donny-ayaw-pang-maghiwalay-gusto-pang-makagawa-ng-maraming-proyekto
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.