Chef Jose Sarasola umamin na sa tunay na dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Maria Ozawa | Bandera

Chef Jose Sarasola umamin na sa tunay na dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Maria Ozawa

Ervin Santiago |January 19,2022
facebook
share this

Chef Jose Sarasola umamin na sa tunay na dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Maria Ozawa

Ervin Santiago - January 19, 2022 - 12:52 PM

Maria Ozawa at Jose Sarasola

WALANG third party, no issue sa kani-kanilang pamilya at wala ring naging away nang bonggang-bongga ang ex-couple na sina Kapuso star Jose Sarasola at aktres na si Maria Ozawa.

Nagbigay ng ilang detalye ang celebrity chef tungkol sa breakup nila ni Maria at dito nga niya ipinagdiinan na maayos at mutual ang paghihiwalay nila ng kanyang ex-dyowa.

Mahigit apat na taon ding tumagal ang relationship ng dalawa ngunit kinailangan na nga nilang magkanya-kanya ng landas.

“A breakup isn’t always what’s best kung wala namang problema, so the hard part lang was the LDR,” ang pahayag ni Jose sa panayam ng GMA Network.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Usually, you break up because may third party, may away, may family problems. But ito naman, wala sa lahat na iyon. 

“It’s just the mere fact that LDR is really challenging for everyone, especially with me and Maria since she’s in a different country… in a different country, it’s a different ball game. We didn’t really think it would be a solution to our problem but it was something that had to be done,” pagbabahagi pa ng Kapuso actor-TV host.

Dagdag pang kuwento ng binata, sinubukan naman nilang i-save ang kanilang relasyon habang nasa Japan si Maria at nandito siya sa Pilipinas pero hindi na talaga umubra. Mas pinalala pa ang kanilang sitwasyon nang magkaroon ng lockdown restrictions dulot ng pandemya.

“We still updated each other every day or every other day kung ano ‘yong gingagawa namin. ‘Yong key talaga to LDR is communication. I think that is the most important thing talaga because once you stop the communication, doon papasok ‘yong mga doubts, mawawala ‘yong feelings. (Tatanungin mo na) kung mahal mo pa ‘yong tao. 

“We did last for a year and eight months (LDR). Marami rin naman ang natuwa na ganoon katagal namin nalabanan ‘yong LDR pero ‘yon nga, it’s really not easy talaga,” diin pa ng binata.
Sa tanong kung handa na ba siyang magkadyowa uli, “Siguro ngayon, ‘wag muna. It was a four-year relationship. It was long din. 

“So now, I want to focus on myself, Avenue 75 — ‘yung business ko and, siyempre, ‘yong career ko with GMA. It’s been good naman. A lot of blessings have been coming in sa career ko in terms of my work (as a chef). Marami akong ganap dito so I think I’ll focus on that muna,” chika pa ni Jose.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ngayon ang celebrity chef sa third season ng Kapuso cooking show na “Eat Well, Live Well, Stay Well,” kasama si Iya Villania. 

Iya mas confident at palaban na sa kusina; season 2 ng ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’ ihahain na

Bela masaya sa pakikipag-LDR sa non-showbiz dyowa: Kanya-kanya naman ng trip yan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending