Cristy Fermin umalma sa 'not my loss' statement ni Kris: Paano kung sumagot si Mel Sarmiento? Bandera

Cristy Fermin umalma sa ‘not my loss’ statement ni Kris: Paano kung sumagot si Mel Sarmiento?

Therese Arceo |January 18,2022
share this

Cristy Fermin umalma sa ‘not my loss’ statement ni Kris: Paano kung sumagot si Mel Sarmiento?

Therese Arceo January 18, 2022 - 08:01 PM

Cristy Fermin umalma sa 'not my loss' statement ni Kris: Paano kung sumagot si Mel Sarmiento?

TILA hindi nagustuhan ng kolumnistang si Cristy Fermin ang “not my loss” statement ni Kris Aquino patungkol sa kanyang magdaang relasyon sa dating DILG Sec. Mel Senen Sarmiento.

Sa kanyang show na “Cristy Ferminute” ay isa si Kris sa mga paksa na napag-usapan nila ng kanyang co-host na si Romel Chika pati na rin ang kasalukuyang kalagayan nito.

Aniya, nalulungkot siya sa nangyayari sa kalusugan ng TV host-actress pero aminado ito na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito patungkol sa dating karelasyon.

“Hindi ko naman ipagsisinungaling sa sarili ko at sa publiko na hindi ko gusto ‘yung sinabi niyang ‘it’s not my loss’. Ang sa akin lang, personal kong pananaw ito at siguro marami ring mag-a-adhere o ookay sa sasabihin ko,” saad ni ‘Nay Cristy.

Sabi pa niya, hindi na raw dapat sinasabi pa ni Kris ang mga katagang iyon na pinagsisisihan niya ang pakikipagrelasyon sa isang tao at inihalintulad pa ang sitwasyon ng dating mag-asawang sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

“Kapag pinasok mo ang isang relasyon, yan ay desisyon mo na hindi mo dapat isisisi sa ibang tao. Batang pag-ibig, matandang pag-ibig, pinasok mo yan, lumigaya ka minsan isang panahon. Kapag nag-hiwalay kayo, huwag mo nang wasakin kasi wala namang nagtulak sa ‘yo… para magkarelasyon kayo. E hindi, e. Nagulantang na nga lang ang publiko ng bigla mong sabihin na kayo at engaged na kayo.

“Yung ‘it’s not my loss’ hindi na dapat sinasabi ‘yon. Paano kung sumagot si Mel Sarmiento [ng] ‘it’s not my loss either’?” sey ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Kaya dapat tama na ang mga negatibong na iniisip. Tama na ang pagbabasa o pakikinig ng mga vloggers na kontra sa ‘yo. Katahimikan ng kalooban ang kailangang kailangan ni Kris Aquino. Yun naman ang hinihiling natin na sana’y ibigay sa kanya pero kung nagsasalita pa rin siya ng hindi kagandahan, marami na naman ang magagalit.”

Sa kabila nito ay hiling naman nina ‘Nay Cristy na sana ay gumanda at bumuti na ang kalagayan ni Kris lalo na’t napanaginipan raw niya na namatay si Kris.

Batid niya na kabaligtaran ng panaginip ang nangyayari sa tunay na buhay at kung tama ang kanyang interpretasyon ay nangangahulugang mas mahabang buhay ang dulot ng kanyang panaginip at mas mahabang buhay ang hatid nito sa TV host-actress.

Related Chika:
Mga litrato at video ni Mel Sarmiento burado na sa socmed ni Kris, naghiwalay na nga ba?
Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending