Kapatid ni Daniel Padilla sinagot na kung friend ba niya si Barbie Imperial Bandera

Kapatid ni Daniel Padilla sinagot na kung friend ba niya si Barbie Imperial

Therese Arceo |January 18,2022
share this

Kapatid ni Daniel Padilla sinagot na kung friend ba niya si Barbie Imperial

Therese Arceo January 18, 2022 - 07:12 PM

Kapatid ni Daniel Padilla sinagot na kung friend ba niya si Barbie Imperial

SINAGOT ng kapatid ni Daniel Padilla na si Magui Ford ang tanong ng isang netizen patungkol sa kanyang kaugnayan kay Barbie Imperial.

Marami sa mga netizens ang naaliw sa TikTok video ng dalaga pero kapansin-pansin ang isang comment ng isang netizen patungkol kay Barbie.

“Friend mo ba si Barbie Imperial?” tanong ng netizen na sinagot naman ni Magui ng “yes”.

Matatandaang naging maingay ang pangalan ni Barbie Imperial nang intrigahin ng “Pambansang Marites” at social media personality na si Christian “Xian” Gaza ang relasyon ni Barbie sa aktor na si Daniel Padilla.

Ipinost rin nito ang isang screenshot mula sa vlog ng Beks Batallion (grupo nina Chad Kinis, Lassy, at MC Muah) kung saan makikita ang aktres na katabi ang ina ni Daniel na si Karla Estrada at kapatid nitong si Magui.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magui (@magsford)

Ani Xian, ano raw ang ginagawa ni Barbie sa bahay ng ina ni Daniel Padilla at tila iniintriga na may “something” sa pagitan ng dalawa.

To the rescue naman ang supporters ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at sinabing huwag banggain ang kanilang sinusuportahang real life couple.

Pinalagan rin ng mga ito ang “cheating” speculation na nagsimula kay Xian at sinabing gusto lang nitong gantihan ang aktres na si Barbie dahil ni-reject at nilait daw siya nito noon.

Nag-react rin si Daniel sa isyu at sinabing nonsense at irrelevant ang ibinabatong isyu sa kanya dahil going strong ang relasyon nila ng kapwa aktres na si Kathryn.

Mukha namang nasagot na rin ni Magui ang dahilan kung bakit present ang aktres sa kanilang tahanan na marahil ay inimbitahan niya dahil isa ito sa mga kaibigan niya at walang katotohanan ang sinasabing may lihim na relasyon sina Barbie at Daniel.

Related Chika:
True ba ang chika, hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga?
Barbie: Minsan nagkakapikunan din kami ni Diego, mapang-asar kasi siya!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending