COVID-19 journey ng pamilya ni Vin matinding bangungot: Naririnig mo ‘yung torture na iyak ng baby mo…
Sophie Albert, Vin Abrenica at Baby Avianna
PARA sa hunk actor at celebrity dad na si Vin Abrenica, isang bangungot ang pakikipaglaban niya at ng kanyang pamilya sa nakahahawang sakit na COVID-19.
Matinding pangamba at pag-aalala ang naramdaman ng aktor nang magpositibo siya sa virus pati na rin ang fiancèe na si Sophie Albert at anak nilang si Baby Avianna.
Kuwento ni Vin, una siyang nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19 matapos um-attend sa naganap na family reunion at nang magpa-test na, nalamang positive nga siya sa coronavirus.
Kaya naman agad ding nagpa-test ang partner niyang si Sophie at ang 10-month-old baby nilang si Avianna Celeste na pareho ring nagpositibo.
Hinding-hindi malilimutan ni Vin ang araw nang dalhin si Baby Avianna sa ospital dahil feeling helpless daw siya nu’ng mga panahong yun.
Aniya, hindi raw niya personal na naasikaso at naalagaan ang anak dahil nga naka-isolate siya noon sa isang kuwarto ng kanilang bahay.
“Naririnig mo ‘yung torture na iyak ng baby mo tapos hindi siya makatulog at saka ‘yung paghinga raw sabi ni Sophie nagwi-whistle na,” kuwento ni Vin.
Sa huling pagpapa-swab test ng aktor, nagnegatibo na siya sa COVID-19 habang nasa recovery stage na ang kanyang mag-ina. Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Vin sa Diyos dahil napagtagumpayan nila ang kanilang COVID journey.
Pahayag pa ni Vin, “Sa panahon ngayon even babies (nagkakasakit). Sa ospital ang daming babies ngayon at napakahirap kapag tinamaan sila.”
View this post on Instagram
Sa isang panayam, inamin ni Vin na napakaraming nagbago sa buhay niya nang ipanganak si Baby Avianna, “In our eight years of relationship bilang boyfriend-girlfriend ngayon it’s so nice na magkaroon kami ng baby and everyday minamahal namin yung bata. Everyday din we love each other more.
“Nabago yung perspective ko sa buhay in a way na nung pinanganak siya madami akong mga naging realizations sa buhay. Na usually, ang iniisip ko lang… alam mo yon, na ang iniisip lang natin ay mga sarili natin. Ngayon, ang iniisip ko na is I’m not living my life for myself. I’m now living my life for her, my daughter.
“At sobrang naging saludo ako at lalo kong minahal ang parents ko, my mom, my dad. Nag-iba yung pagtingin ko talaga, kasi hindi biro talaga ang maging isang magulang. Pero one thing I can share for sure is it’s the most fulfilling talaga,” pahayag pa ni Vin.
Sabi pa ng kapatid ni Aljur Abrenica, may tendency talaga na maging spoiler dad siya, “Oo. Ngayon pa lang nag-aaway na kami ni Sophie about that. Ha-hahaha!”
Nag-propose si Vin kay Sophie noong Dec. 12, 2020 habang isinilang naman ang kanilang first baby na si Avianna noong March, 2021. Wala pang announcement ang celebrity couple tungkol sa kanilang wedding.
https://bandera.inquirer.net/279818/vin-kay-sophie-naka-short-shorts-nakataas-yung-legs-na-parang-uy-nakikitaan-ka-na-ng-kaluluwa
https://bandera.inquirer.net/292259/pamilya-ni-sophie-albert-tinamaan-din-ng-covid-19-tinawag-na-himala-ang-nangyari-sa-ama
https://bandera.inquirer.net/301616/vin-emosyonal-sa-bagong-vlog-dahil-kay-ava-amuyin-at-panggigilan-nyo-lagi-ang-baby-nyo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.