Claudine kay Mark Anthony: Lalo siyang gumaling bilang aktor at mas bumait pa siya Bandera

Claudine kay Mark Anthony: Lalo siyang gumaling bilang aktor at mas bumait pa siya

Reggee Bonoan |January 12,2022
share this

Claudine kay Mark Anthony: Lalo siyang gumaling bilang aktor at mas bumait pa siya

Reggee Bonoan January 12, 2022 - 03:50 PM

Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto

PAGKALIPAS ng 26 years ay nagkasama ulit ang ex-lovers na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa pelikulang “Deception” mula sa direksyon ni Joel Lamangan na mapapanood sa Vivamax sa Enero 28.

Inamin naman ng aktres na natuwa siyang muling makasama si Mark at nagulat siya na gumaling na ring umarte ang aktor.

“Lumalim siya bilang aktor pinag-aralan n’ya ‘yung role niya, adventurous siya at nag-e-explore sa pelikula na ito.

“Magaling si Mark, matagal naman nang alam ng tao ‘yun lalo na ngayon at nagulat ako na sobrang gumaling talaga siya. Nag-mature siya tapos ibinibigay niya lahat ang mga requirements ni direk Joel,” paglalarawan pa ni Claudine sa aktor. 

Paano ba pinaghandaan ng aktres ang pagbabalik niya sa pelikula dahil matagal siyang nabakante kung ikukumpara kay Mark na nakailang pelikula na sa Viva Films bago silang nagsama muli.

“Wala naman akong ginawa kundi aralin ‘yung script, nag-focus talaga ako kung anuman ang gustong ipagawa direktor ni direk Joel,” saad nito.

Ano naman ang nakita ni Claudine na hindi nabago ang pakikitungo nila sa isa’t isa? 

“Si Mark the same pa rin, very protective, very sweet parang wala namang nagbago sa kanya kundi lalo siyang bumait ngayon at saka very professional,” sabi pa ng dating kasintahan ng aktor.

Base sa trailer ng “Deception” ay gaganap na mag-asawa ang dalawa pero nagkaroon sila ng gulo hanggang sa makulong ang aktres habang ang anak niya ay bigla namang nawala at nalaman niyang kinuha pala ito ng ama.

Kaya natanong na kung sakaling hindi nila tinanggap ang movie ay posible bang pagsisihan niya? “Yes, 26 or 27 na kami huling nagkatrabaho ni Mark. Si Mark hindi talaga mahirap makatrabaho o makasama sobrang professional niya,” say ng aktres.

Ano ang pinaghugutan ni Claudine para mas maibigay niya ang hinihingi ng mga eksena? “Nakaka-relate ako sa scene na naghiwalay sa pelikula, alam ko ‘yung pakiramdam ng deception o betrayal, I think lahat ng tao nakakaranas ng ganu’n.”

Nabanggit din ng aktres na walang second thoughts on working with Mark, “Matagal ko nang gustong makatrabaho si Mark. ‘Yung Mangarap Ka (huling movie nila), love story ‘yun pero hindi malalim, so dito (Deception) kami ni Mark nagtutulungan kami. 

“Walang ilangan at nag-uusap kami kung anong gagawin sa scene. Happy ako kasi si direk Joel na tapos si Mark pa kaya sobrang pasalamat ako sa project at sa Viva,” sabi ng aktres.

Nabanggit din ng Borracho producer na si Atty. Ferdinand Topacio na ang kuwento ng “Deception” ay medyo hawig sa tunay na buhay ni Claudine kaya pinursige niyang i-produce ito dahil siya na raw ‘yung naagrabyado ay siya pa ang nasisisi ng mga tao.

“Kilala ko na siya since 2012 kaya nga ipinaglaban ko siya noon because I believe in her.  This is a project that’s very close to my heart. So, ‘nu’ng bumagsak (nabasa) ‘yung script from Easy Ferrer sabi ko, ‘ang ganda nito.’

“And Mark and Claudine beyond the romcom genre, so ‘yun naman ang lalim ng kanilang experiences, anyone can do it, eh. Kahit mga baguhang loveteam kayang gawin, but this is something special at walang ibang makakagawa nito kundi sila lang,” paliwanag ng co-producer ng Viva Films.

Claudine sa pagbabati nila ni Marjorie: Maganda ang simula ng taon ko dahil nakasama ko ang buong pamilya ko

Mark umaming ‘love’ pa rin si Claudine, bet uling manligaw: Hindi pa naman huli ang lahat…

Mark Anthony fresh na uli; walang tigil sa pagwo-workout mula nang makalaya

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending