AJ Raval mas gustong mag-aksyon kesa magpakita ng katawan: Siyempre idol ko ang tatay ko! Bandera

AJ Raval mas gustong mag-aksyon kesa magpakita ng katawan: Siyempre idol ko ang tatay ko!

Ervin Santiago |January 12,2022
share this

AJ Raval mas gustong mag-aksyon kesa magpakita ng katawan: Siyempre idol ko ang tatay ko!

Ervin Santiago January 12, 2022 - 07:42 AM

AJ Raval at Sean de Guzman

KUNG papipiliin ang kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval, mas gusto niyang sumabak sa mga action films kesa sa mga pelikulang kailangang magpakita siya ng katawan.

Sa bago niyang movie na “Hugas”, binigyang-katuparan ng Viva Films ang matagal na niyang pangarap na magpaka-action star, kung saan muli niyang makakasama ang sexy actor na si Sean de Guzman.

Siniguro ng dalawang bida sa pelikula na ibang-iba ito sa kanilang past movies, tulad ng “Taya” at “Nerisa”.

“Unang-una siyempre action ito at may mga training kami rito para maging astig yung mga kilos namin. Siguro yung bond namin ni Sean, meron kaming natural chemistry. 

“Yung bond namin naging mas deep kasi nagka-work na kami ng ilang beses. Also lumalabas din kami minsan kahit walang work. Siguro sa mga love scenes namin makikita niyo du’n yung love. 

“May mga projects na rin kami before na marami kaming natutunan du’n na lahat ng natutunan namin nadala namin dito sa Hugas,” pahayag ni AJ sa virtual mediacon ng movie last Jan. 10.

Nabanggit nga rito ng dalaga na sana raw ay mas marami siyang magawang action movies this year o yung mga proyektong mas matsa-challenge pa siya.

“Open na open ako sa pagpapa-sexy at sa action, pero kung kailangan pumili, mas prefer ko talaga mag-action. Siyempre, parang yung parents natin ginagaya natin. 

“Siyempre idol ko tatay ko at sa kanya ako open kung bakit nag-artista ako at paano nag-start dahil sa dad ko. Siyempre gusto ko sumunod sa yapak niya. Gusto ko mag-action din. 

“Gusto ko yung mga fight scene na MMA, may Muay Thai, parang ganu’n. Mas nahihirapan ako mag-strip kesa sa action stunts. Kasi ang action sa akin parang normal na lang din na ginagawa ko. 

“Parang nae-enjoy ko pa siya kapag tini-take yun. Pero kapag nag-i-strip naman may awkward moment pa rin ako hanggang ngayon,” pag-amin pa niya.

Sa tanong naman kung may ibinibigay bang tips ang ama niyang action star na si Jeric Raval sa pagsabak niya sa maaaksyong pelikula, “Wala naman akong na-receive na any tips sa tatay ko, ang ginawa niya ginayd niya ako kung paano humawak ng baril, kunwari yung tamang pagro-rolling.

“Tapos sa fight scenes tinuruan niya ako sumipa ng mataas at sumuntok nang diretso. Tinuruan niya ako sa mga ganu’ng bagay. At saka kasi maamo yung mukha ko, mukha akong bata so itinuturo niya sa akin kung paano maging maangas yung facial expression,” pagbabahagi pa ni AJ.

Tungkol naman sa ginagawa niya sa kanyang mga kinikita sa showbiz, “Nakakuha na rin ako ng sarili kong sasakyan dahil sa mga work ko dito sa Viva. Also meron na din kaming nakuhang bahay, pero hindi siya sa akin. 

“Pinagtulungan namin ng tatay ko, kaming dalawa. Kinuha namin ng bahay yung side ng mother ko, yung mga kapatid ko du’n. And this year ang goal ko naman makapagpatayo ng sarili kong bahay although nakalipat ako ng bahay ngayon,” aniya pa.

Samantala, mapapanood na sa Vivamax ang “Hugas” simula sa Jan. 14, 2022 kung saan makakasama rin sina Cara Gonzales, Stephanie Raz, Deberly Bancore, Jay Manalo, Bob Jbeili, Joko Diaz, Soliman Cruz, Lester Lansang, Gilleth Sandico at Lotlot Bustamante. Ito’y sa direksyon ni Roman Perez.

Kit Thompson handang magpakita ng ‘pagkalalaki’ sa movie pero may kundisyon…

Kit Thompson handang magpakita ng ‘pagkalalaki’ sa movie pero may kundisyon…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending