Baby Cinco nagsisilbing 'charger' ni Roxanne Barcelo; super proud sa non-showbiz hubby Bandera

Baby Cinco nagsisilbing ‘charger’ ni Roxanne Barcelo; super proud sa non-showbiz hubby

Ervin Santiago |January 07,2022
share this

Baby Cinco nagsisilbing ‘charger’ ni Roxanne Barcelo; super proud sa non-showbiz hubby

Ervin Santiago January 07, 2022 - 09:45 AM

Roxanne Barcelo, Jigs at baby Cinco

PITONG buwan na ang panganay na anak ng singer-actress na si Roxanne Barcelo.

Ibinahagi ng celebrity mom sa social media ang ilang litrato ng kanyang baby bilang bahagi ng seventh-month birthday nito.

Ipinost ni Roxanne sa Instagram ang super cute photos ni Baby Cinco na pinusuan at ni-like naman ng kanyang fans and followers na aliw na aliw sa sanggol.

“At 7 months, Cinco is moving all over the place. He is filled with curiosity and zeal. He charges our days with smiles and laughter. We all love this precious being,” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

May last year nang isilang ni Roxanne si Baby Cinco, ang panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz husband. Matagal ding itinago ng aktres ang identity at itsura ng asawa.

Pero nito ngang nagdaang December, ipinakilala at ipinakita na ni Roxanne ang mukha ng mister sa social media kalakip ang madamdamin niyang mensahe para rito.

“When I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love. You are worth the wait.

“It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs. I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and @dababycinco with all that I am,” mensahe pa ni Roxanne.

Sa isang post, sinabi rin ng aktres na matagal na niyang pangarap ang maging wifey at mommy at ngayong nabigyan na nga ito ng katuparan, “I am fully humbled by this truth: As they all say, it’s not easy, BUT it is all worth it.”

Roxanne may mga ‘bawal’ nang gawin sa showbiz mula nang mag-asawa: Para na rin sa mag-aama ko

Roxanne ipinakita na ang buong mukha ni Baby Cinco sa madlang pipol: Our son at 1 month…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending