Dingdong naka-survive sa 1 buwang lock-in taping dahil sa pa-lafang ni Marian | Bandera

Dingdong naka-survive sa 1 buwang lock-in taping dahil sa pa-lafang ni Marian

Ervin Santiago |January 05,2022
facebook
share this

Dingdong naka-survive sa 1 buwang lock-in taping dahil sa pa-lafang ni Marian

Ervin Santiago - January 05, 2022 - 07:31 AM

Dingdong Dantes at Marian Rivera

NAPAGKASUNDUAN muli ng Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ang aktor pa rin ang lalabas at magtatrabaho habang mananatili pa rin sa bahay ang kanyang asawa.

Ngayong inilagay na naman sa Alert Level 3 ang National Capital Region dahil sa bigla na namang pagtaas ng COVID-19 cases matapos ang holiday season, tuloy din ang tripleng pag-iingat nina Dong at Marian.

Ayon sa award-winning actor, tulad pa rin ng nakalipas na dalawang taon ang magiging set-up nila ni Marian sa bahay at sa pagtanggap nila ng mga proyekto.

“Sa ngayon, ganoon na muna. Wait and see naman tayo kasi, sa totoo lang. Kagaya ng mga alert levels, wait and see din naman tayo. Biglang malalaman natin, Alert Level 3 na ngayon. 

“We just really have to adapt kung ano ang magiging sitwasyon ngayon at kahit anong pagpa-planong gagawin, meron at merong pagbabagong darating, ’di ba?” paliwanag ni Dong sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang mini-series sa GMA, ang “I Can See You: AlterNATE.”

View this post on Instagram

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Samantala, ibinandera din ng Kapuso star kung paano nakatulong nang bonggang-bongga si Marian para maka-survive isang buwang lock-in taping ng “AlterNATE” kung saan for the first time ay gaganap siya ng dual role.

“I must also say na naging madali rin ang lock-in experience dahil sa suporta rin ni Marian. Siyempre, kahit na nandoon kami, nakakapagpadala pa rin siya ng pagkain na sine-share namin sa isa’t isa. Kasi siyempre, ’yun na lang ang kaligayahan namin.

“Tuwing rest day, she showed her support in those ways. Kaya kahit paano, na-survive ko rin ang 30 days na ’yon kahit miss na miss ko na sila,” lahad ng aktor.

Sa isang bahagi rin ng presscon, nagkuwento si Dong ng mga kaganapan sa pagbabakasyon ng kanyang pamilya tuluyang magpaalam ang 2021.

Talagang bumawi silang mag-asawa sa dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy nang magpunta sila sa Israel kamakailan para sa pagiging judge ni Marian sa 2021 Miss Universe.

“Talagang sulit na sulit ang oras namin together kasi, wala talaga kaming iniisip na trabaho kung hindi ang makasama namin ang isa’t isa.

“And thankful kami na nabigyan kami ng pagkakataon na gano’n, despite of course, sa lahat ng mga nangyayari sa kapaligiran natin around that time.

“Siyempre nakalulungkot, while we have this privilege, e, marami sa mga kababayan natin, nagsa-suffer dahil sa nangyari sa bagyo, kay Odette. 

“Kaya I guess, ’yun talaga, kapag may pagkakataon na makasama mo ang mga mahal mo sa buhay, lulubusin mo talaga, sisiguraduhin mo na okay sila at masaya kayo,” paalala pa ni Dingdong sa mga pamilyang Filipino.

Mapapanood na sa GMA Telebabad ang “I Can See You: AlterNATE” simula sa Jan. 10, 2022 kung saan makakatambal ni Dingdong for the first time si Beauty Gonzalez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending