Magulang ni Poblacion Girl kakasuhan din ng CIDG, kailangang managot sa batas | Bandera

Magulang ni Poblacion Girl kakasuhan din ng CIDG, kailangang managot sa batas

Ervin Santiago - January 04, 2022 - 03:18 PM

BUKOD kay “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua kakasuhan din ng mga otoridad ang kanyang mga magulang pati na ang ilang staff ng Berjaya Hotel sa Makati City.

Aabot sa siyam katao ang sasampahan umano ng mga kaukulang kaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa paglabag sa R.A. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern.

Ito’y matapos ngang tumakas si Chua mula sa Berjaya Hotel na isang quarantine facility at pumarti-party sa kilalang bar sa Makati.

Bahagi ng pahayag ng CIDG, “Gwyneth Anne Chua violated Rule XI, Section 1 (g) (iii), (iv) of the IRR of R.A. 11332  or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

“The CIDG Regional Field Unit NCR, the unit handling the case, was already able to establish the facts relative to the case of the Returning Overseas Filipino (ROF), Gwyneth Anne Chua,” ang nakasaad pa sa statement ng CIDG.

“CIDG will be filing cases against nine persons, including Ms. Chua, her father and mother, and several personnel of the hotel (quarantine facility),” pagkumpirma pa ng nasabing ahensiya.

Base sa report, umuwi si Chua sa Pilipinas mula sa Los Angeles, California noong Dec. 22, 2021 at  dumiretso sa Berjaya Hotel. Nang  gabi ring iyon, umalis si Poblacion Girl sa nasabing quarantine facility at sinundo umano ng kanyang tatay gamit ang isang SUV.

Kasunod nito, nakumpirma ng mga imbestigador, sa pamamagitan ng mga CCTV footage at ng testimonya ng mga witness ang pagtungo ni Chua sa isang restaurant sa Barangay Poblacion, Makati City.

At pagsapit ng Dec. 25, 2021, sa ganap na 9 p.m., inihatid si Chua ng kanyang ina sa Berjaya Hotel. Ang pagsundo at paghatid ng mga magulang ni Chua ang dahilan kung bakit kasama sila sa mga kakasuhan.

Bukod dito, balitang kasama rin sa mga kakasuhan ang staff at empleyado ng Berjaya Hotel dahil sa umano’y kapabayaan nila sa pagpapatupad ng safety at health protocols sa kanilang building na ginagamit nga bilang quarantine facility.

Mas lumala pa ang isyung kinasasangkutan ni Chua matapos magpositibo sa COVID-19 base sa resulat ng kanyang swab test noong Dec. 27.

Base sa records ng CIDG, 11 ang nahawa kay Chua ng COVID-19 matapos siyang makasalamuha ng mga ito sa kinainang restaurant at sa pinuntahang party sa isang bar.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Chua, ng kanyang mga magulang at ng pamunuan ng Bejaya Hotel para sa mas ikaliliwanag ng issue. Agad naming ilalabas ang kanilang magiging official statement.

https://bandera.inquirer.net/301836/poblacion-girl-na-nakipag-party-at-lumabag-sa-quarantine-protocols-sunog-na-sunog-sa-netizens

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301961/joey-reyes-may-pasabog-na-open-letter-poblacion-girl-ikaw-na-ang-miss-omicron-philippines-2021
https://bandera.inquirer.net/301990/aiko-bad-trip-din-kay-poblacion-girl-dapat-turuan-ng-leksyon-at-maparusahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending