Hirit ni Tali Sotto sa kanyang mommy Pauleen: Kuya Vico looks like daddy! | Bandera

Hirit ni Tali Sotto sa kanyang mommy Pauleen: Kuya Vico looks like daddy!

Ervin Santiago |January 02,2022
facebook
share this

Hirit ni Tali Sotto sa kanyang mommy Pauleen: Kuya Vico looks like daddy!

Ervin Santiago - January 02, 2022 - 01:30 PM

Pauleen Luna, Vic Sotto, Vico Sotto at Tali

ALIW na aliw ang mga netizens sa latest Instagram post ng TV host-actress na si Pauleen Luna kung saan may paandar na hirit na naman ang anak niyang si Tali.

Naikuwento kasi ni Poleng sa kanyang followers ang pagbisita ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanilang tahanan bago mamaalam ang 2021.

Talagang naglaan daw ng panahon ang alkalde na muling tatakbo sa darating na May, 2022 elections, para makasama ang kanyang amang si Vic Sotto pati na ang pamilya nito.

Kahapon, Jan. 1, 2022, nagbahagi si Pauleen ng litrato nina Bossing at Tali kasama si Vico na kuha sa kanilang Christmas tree na nasa loob ng kanilang bahay. 

Chika ni Poleng, sinabi raw Tali sa kanya na kamukhang-kamukha raw ng kapatid niyang si Vico ang kanilang tatay.

“Kuya Vico looks like daddy!” ang bahagi ng caption ni Poleng sa kanyang Instagram post with matching tatlong laughing emoji.

Dagdag pang sabi ng aktres, “Happy to see Vico again! Last time we saw him was around the same time last year. Thank you for taking time to see us yesterday!”

“We’re always praying and rooting for you. God bless!” aniya pa.

Nauna rito, binisita rin ni Vico ang pamilya ng kanyang ama noong nakaraang Pasko.

Ilang beses nang ibinandera ni Bossing kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak na alkalde lalo na sa naging pagtugon nito noong kasagsagan ng pandemya sa bansa.

“Of course, proud ako na he’s doing a good job. Pero sabi ko nga, hindi lang naman siya, pati yung ibang mga ating namumuno sa bansa.

“Lahat sila, they’re doing a good job. Sabi ko nga, mula sa ating Pangulo hanggang sa ating mga health workers, e, talagang sama-sama. Pag sama-sama, may bayanihan, kakayanin natin ‘to,” aniya.

“May nadinig akong interview sa kanya, maganda yung sinabi niya na dapat wala nang kumpara-kumpara. Ako, personally, dapat tigilan muna yung pulitika. Wala muna yung pulitikahan.

“Isipin na lang natin kung paano tayo makakatulong sa kapwa. Kahit nasa bahay tayo, kung wala man tayong magawa na pang-donate na kung ano man, magdasal tayo.

“Iyon ay isa sa mga donasyon na puwede nating gawin na maaaring makatulong sa ating kapwa.

“Yung kay Vico, I think he’s doing his job. Iyon ang ipinangako niya sa kanyang mga constituents, na aalagaan sila—and he’s doing a good job.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)

Pauleen may tanging dasal para kay Tali; pinuri ang pakikipag-usap ng anak sa security guard

Pauleen nalulungkot, natatakot sa ilang negatibong epekto ng online class kay Tali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending