Alessandra rumampa suot ang pasabog na 2-piece swimsuit, netizens napa-wow: Ay, grabe siya, oh! | Bandera

Alessandra rumampa suot ang pasabog na 2-piece swimsuit, netizens napa-wow: Ay, grabe siya, oh!

Ervin Santiago |December 30,2021
facebook
share this

Alessandra rumampa suot ang pasabog na 2-piece swimsuit, netizens napa-wow: Ay, grabe siya, oh!

Ervin Santiago - December 30, 2021 - 06:36 PM

Alessandra de Rossi

PINUSUAN at ni-like ng libu-libong netizens ang bagong bikini post ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi.

Muling napa-wow ang mga tagasuporta ng dalaga nang bumandera sa social media ang ilan niyang swimsuit photos kung saan kitang-kita ang kanyang fit and sexy body.

Ipinost ni Alessandra ang mga litrato sa kanyang Instagram account suot ang kulay asul na two-piece swimsuit at may caption na, “Paparating na ang mga pirata.”

Ibinandera rin ng premyadong aktres ang kanyang modelling skills sa pamamagitan ng isang video habang nakasuot pa rin ng bikini. 

“I think hindi umabot ang mga pirata. Tuloy na lang ang modelling,” ang hirit pa ng sisteraka ni Assunta de Rossi.

View this post on Instagram

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi)


Puro positibong komento ang nabasa namin mula sa IG followers ni Alex at halos lahat ay hunanga sa ganda ng katawan ng aktres kabilang na nga riyan ang mga kaibigan niya sa showbiz.

“DAMN, WOMAN,” comment ni Maxene Magalona. Dagdag pa niya, “You could’ve warned us earlier.

“Teka wait lang cyst pwede ba entry ko after holidays nalang. Hahaha!” sey ng kaibigan niyang si Lovi Poe.

“Ay, grabe siya!” ang sabi naman ni Isabel Oli.

“May sunog!” chika ni Armi Millare.

Hirit ng isa niyang fan,”Ateng hindi na tumuloy narinig yung talak mo!! Para kang vampireeeeee hindi ka tumatanda!”

“Numba wan fan here. sabi ng mga pirata Huwag ka daw Guluhin ksi Mowdelling ks lifer for yu!” reaksyon ng isa pang IG user.

Recently lang ay itinanghal na best actress si Alessandra sa 69th FAMAS Awards para sa pelikula niyang “Watch List”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huli naman siyang napanood sa Netflix movie na “My Amanda” kung saan nakasama niya si Piolo Pascual. 

Alessandra de Rossi may isang bagay na sobrang kinatatakutan

Alessandra tatlong beses naospital pagkatapos ng “My Amanda”: ‘Walang makita, stress lang daw’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending