'Hugas', 'Siklo' ni Direk Roman Perez pambuena-manong pasabog ng Viva Films sa 2022 | Bandera

‘Hugas’, ‘Siklo’ ni Direk Roman Perez pambuena-manong pasabog ng Viva Films sa 2022

Reggee Bonoan |December 29,2021
facebook
share this

‘Hugas’, ‘Siklo’ ni Direk Roman Perez pambuena-manong pasabog ng Viva Films sa 2022

Reggee Bonoan - December 29, 2021 - 04:56 PM

Roman Perez, Jr. at Sean de Guzman

BAKIT nga ba “Hugas” ang titulo ng latest film ni Direk Roman Perez, Jr. na mapapanood sa Jan. 14, 2022?

Ang mga artista sa “Hugas” ay sina AJ Raval, Sean de Guzman, Cara Gonzales, Bob J’beili, Stephanie Raz, Deberly Bancore, Joko Diaz at Jay Manalo produced by Viva Films.

“Hugas kasi hugas kasalanan dahil bagong taon. Hugas kamay, hugas kapag nag-iinuman ka, magbabanlaw ka na. So, maraming meaning, maraming salita ‘yung hugas.

“It’s a Jon Red mafia film. Sinulat ito ni Jon Red nu’ng 2014 tapos pinahiram niya sa akin ang piyesang ito at naniniwala siya na isa ito sa Jon Red mafia universe kasi may darating pa siyang pelikula na ‘Adarna Gang.’

“Parang nauna lang ako sa Hugas kasi ilo-launch ‘yung Adarna Gang, parang ano ‘to prequel ng mafia universe ni Jon Red,” paliwanag ni direk Roman.

At dahil magkasunod ang pelikula ng direktor na ipalalabas sa Enero, 2022 ay ayaw sana niyang mangyari ito dahil lumalabas na lalabanan niya ang sarili niyang pelikula sa susunod na linggo na pilit niyang iniiwasan pero hindi nangyari.

“Ganito rin ‘yung nangyari sa ‘Taya’ nu’ng dumating ang ‘The Housemaid.’ So ngayon, ‘Siklo’ tapos ‘Hugas.’ Siguro pinlano ng management ito para makuha natin ‘yung audience ng January para maka-bomba tayo agad para kahit konti maalog natin ‘yung Spider-man kahit sa streaming, maalog natin.

“Kahit makakuha tayo ng audience, mga OFW na may Vivamax (availability ng bansa) lalung-lalo na dito sa Metro Manila na makuha natin ‘yung audience na Jan. 7, Siklo and Jan. 14, Hugas,” katwiran ng palangiting direktor.

Napapansin namin si direk Roman na smiling face kahit seryoso ang usapan, nakangiti siya parati na nakatutuwa dahil napaka-positive ng aura niya at feeling namin hindi siya pikon kahit anong itanong sa kanya at higit sa lahat, napaka-humble pa niya.

Samantala, masasabing isa si direk Roman sa money maker ng Vivamax kaya naman sa taong 2021 ay nakaanim na pelikula siya at pawang most viewed. At ang pelikula ulit niya ang opening salvo ng Vivamax, ang “Siklo” at “Hugas”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinapirma pala si direk Roman ng 20 pictures ni boss Vic del Rosario para sa limang taong kontrata, e, nakaanim na kaagad siya plus two sa January, kaya 12 na lang ang kulang niya na for sure ay magagawa niya ang lahat ng ito bago matapos ang kanyang 5-year contract.

AJ Raval matindi ang pinagdaanan: May mga death threats ako, galit na galit sila sa akin!

Diego Loyzaga tuloy ang pagpapa-yummy: Salmon lang or chicken breast ang kinakain ko

Rhen Escaño, Rita Martinez ibubuking ang relasyon ng mga lesbian lovers sa ‘Lulu’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending