AJ Raval dedma na sa socmed pagpasok ng 2022; hindi si Aljur ang kasama noong Pasko | Bandera

AJ Raval dedma na sa socmed pagpasok ng 2022; hindi si Aljur ang kasama noong Pasko

Ervin Santiago - December 29, 2021 - 11:57 AM

IPINAGDIINAN muli ng kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval na hindi na siya magiging active sa paggamit ng social media sa 2022.

Sean de Guzman at AJ Raval

IPINAGDIINAN muli ng kontrobersyal na sexy star na si AJ Raval na hindi na siya magiging active sa paggamit ng social media sa 2022.

Hangga’t maaari ay ayaw nang mag-post ang dalaga online tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay para makaiwas sa kanegahan ng mga bashers at haters.

Aniya, sa pagpasok ng Bagong Taon, mas nais niyang mag-focus muna sa kanyang personal at professional life na walang toxic dulot ng social media.

“Yung mga nangyari sa akin ngayong 2021, gusto ko na pong iwan yun. Pero dahil sa mga nangyari nung nakaraan, may mga natutunan po ako,” simulang pahayag ni AJ sa ginanap na virtual mediacon ng Viva Entertainment para sa bago nilang pelikula, ang sexy-action-drama na “Hugas”.

Dagdag pang pahayag ng rumored girlfriend ni Aljur Abrenica (na ang chika ay naghiwalay na rin daw), “More on sa sarili ko, self-love, improvement, lagi po akong magtatanong sa lahat ng bagay para lagi po akong may natututunan.

“Yung mga negative issue, siguro hindi ko na po papansinin. Pagdating po ng 2022, wala na po akong social media, phone lang,” ang mariin pang sabi ni AJ.

Samantala, inamin din ng aktres na ang palaban ding sexy actor at leading man niyang si Sean de Guzman ang kasama niya last Christmas.

Taliwas ito sa iniisip ng marami na sila ni Aljur ang magkasama noong Pasko dahil nga sa balitang nagkakamabutihan na sila. Ang isyu rin sa kanila ni Aljur ang dahilan kung bakit nagpahinga si AJ sa social media.

Pag-amin ng anak ni Jeric Raval, “Magkasama kami ni Sean nung Christmas. So, nag-usap kaming dalawa na gusto naman naming ma-recognize na magaling kaming umarte, hindi lang sa pagpapaseksi.

“Napag-usapan din namin ito bago kami nag-shoot ng ‘Hugas’ so nag-prepare po kami talaga.

“Sa mga love scene namin, gaya ng sinabi niya, sobrang comfortable na kami sa isa’t isa. Hindi na kami nagkakahiyaan.

“So, lalong naging mas deep yung bonding namin, yung samahan namin. So, nu’ng ginawa namin yung mga love scene, parang nandoon talaga yung love. Makikita niyo talaga yung love sa love scenes,” pahayag pa ng sexy star. Ito na ang ikatlong beses na nagkatrabaho sina AJ at Sean, una sa “Taya” at sumunod ang “Nerisa”.

Dagdag pa ng aktres, “Sobrang okay po namin ni Sean. Nag-aaway na rin po kami ngayon. Yung pag-aaway namin, parang magkapatid po kami.

“Nag-away kami sa set, may eksena na parang magkaaway po talaga kami. Nagkamali po ako sa unang take, tapos sabi niya sa akin, ‘Okay lang ‘yan. It’s your fault naman.’

“Yung pagkakasabi niya, sarcastic talaga. Napikon ako, sabi ko kay Sean, ‘Bakit, superstar ka ba?’ Tapos, magbabati rin kami.

“Yung mga secret, alam po namin yung mga secret namin sa isa’t isa. Mga problema, napag-uusapan namin. Kino-comfort po namin yung isa’t isa, pero friends lang po talaga kami,” chika ni AJ.

Samantala, maliban maiinit at naglalagablab na sex scenes nina AJ at Sean, asahan din ang umaatikabong aksyon sa “Hugas” na idinirek ni Roman Perez, Jr..

Kasama rin sa pelikula sina Benj Manalo, Bob Jbeili, Cara Gonzales at Joko Diaz at mapapanood na simula sa Jan. 14, 2022 sa Vivamax. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.

Related Chikas:

AJ Raval muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa bashers; 2 pang Viva artist inatake ng anxiety

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa bashers: Sobrang toxic na ng social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending