AJ Raval muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa bashers; 2 pang Viva artist inatake ng anxiety | Bandera

AJ Raval muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa bashers; 2 pang Viva artist inatake ng anxiety

Reggee Bonoan |September 05,2021
facebook
share this

AJ Raval muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa bashers; 2 pang Viva artist inatake ng anxiety

Reggee Bonoan - September 05, 2021 - 04:48 PM

Angeli Khang, Jela Cuenca at AJ Raval

MAY bagong girl group ang Viva, ang Viva Maximum Crush na binubuo nina AJ Raval, Jela Cuenca at Angeli Khang na magkakasama sa pelikulang “Taya” na kumikita ngayon sa Vivamax.

Sa ginanap na zoom mediacon para sa tatlo kasabay na rin ng pasasalamat nila para sa tagumpay ng “Taya” ay umamin silang naapektuhan din ang mental health nila dahil sa COVID-19 pandemic.

“Nagbe-breakdown talaga ako especially this time, ang daming dumating na problem sa akin, hindi lang about sa showbiz, also in my personal life. Siyempre, hindi naman maiwasang dadating ang mga problema lalo na ngayong pandemic,” kuwento ni Jela.

Nagkaroon naman ng anxiety si Angeli pero hindi na siya nagkuwento tungkol dito at hindi raw niya mapi-please ang ibang tao kung ano ang gustong isipin tungkol sa kanya.

“Just be yourself, as long as wala kang tinatapakan, good na ‘yun,” sambit ng dalaga.

Nu’ng nagsisimula pa lang sa showbiz si AJ ay kaliwa’t kanan ang mga nababasa at naririnig niyang mga negatibong komento.

“Naka-receive po ako ng mga hindi magagandang komento galing sa mga tao. Inaatake po nila ‘yung appearance ko. Naapektuhan po ako sa mga sinabi nila. Nag-i-start pa lang po ako that time pero parang gusto ko na rin pong umayaw.

“Pero ngayon po, mas nagiging okay po ako, mas natutunan ko pong mahalin ang sarili ko at huwag pansinin ‘yung mga ganu’ng klaseng tao kasi sa totoo lang, ‘yung mga ganun’g klase ng tao, sila ‘yung matataas ang level of insecurity kaya binabato nila sa ibang tao,” kuwento ng dalaga.

Sa kasalukuyan ay nakapag-adjust na si AJ sa new normal maging sina Jela at Angeli ay okay na rin ngayon kaya dedma na sila sa mga sasabihing hindi maganda tungkol sa kanila.  Basta’t work lang sila at walang ginagawang masama sa ibang tao.

Mukhang tuluy-tuloy ang pagbulusok ng tatlo dahil maganda ang feedback sa “Taya” na idinirek ni Roman Perez, Jr., bukod pa sa kumita nga ito.

Knowing the Del Rosarios kapag kumita ang pelikula at maayos katrabaho ang mga artista ay binibigyan kaagad ng follow-up.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nakitaan ang tatlo na posibleng tagapagmana ng Viva Hot Babes na binubuo ng first batch na sina Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, Sheree, Pam Sarmiento at Maui Taylor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending