Kendra Kramer dalagang-dalaga na sa edad 12, tinawag na 'next Miss Universe' Bandera

Kendra Kramer dalagang-dalaga na sa edad 12, tinawag na ‘next Miss Universe’

Ervin Santiago |December 29,2021
share this

Kendra Kramer dalagang-dalaga na sa edad 12, tinawag na ‘next Miss Universe’

Ervin Santiago December 29, 2021 - 11:46 AM
Kendra Kramer

Kendra Kramer

IKINAGULAT ng maraming netizens at social media followers ng celebrity couple na sina Doug Kramer at Cheska Garcia ang itsura ngayon ng kanilang anak na si Kendra.

Sa edad kasi niyang 12 ay parang dalagang-dalaga na ang kanyang itsura kaya naman napa-wow ang madlang pipol nang makita ang latest pictures niya at ilang video clips sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Clair Kendra Kramer (@kramer.kendra)

Marami nga ang nagkomento na ilang taon na lang ay pwede nang sumabak sa mga beauty pageant ang bagets. Sabi naman ng ibang netizens feeling nila magiging Miss Universe rin si Kendra kapag nagdalaga na ito nang bonggang-bongga.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang dating professional basketball player ng maikling video kung saan super project ang panganay na anak habang nasa photo shoot.

Ayon sa mister ni Cheska, kahit siya ay hindi makapaniwala na malapit nang maging teenager si Kendra na habang lumalaki ay nagiging kamukha na nga ng kanyang mommy.

“Grabe, ano iyan? That’s not Cheks, you guys! That looks like Cheks, it’s not! It’s Kendra!” ang pahayag ng dating cager about her super pretty daughter.

Dagdag pang chika ni Doug, “This is just a random shoot. We just finished a three-day TVC and print shoot for Cheks, Gavin, and Kendra then…our glam team decided to do this for Kendra.”

View this post on Instagram

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)

Base sa pahayag ng former PBA player, part ng glam team na nag-ayos kay Kendra ay ang celebrity stylist na si Rain Dagala habang ang mga portrait na ibinahagi niya sa kanyang followers ay mula sa mga kuha ng photographer na si Jerick Sanchez.

At mukhang agree rin si Doug sa mga Pinoy pageant fans na malaki ang potensyal ni Kendra kapag naisipan nitong sumabak sa nga beauty pageant in the future.

Sabi nga ng celebrity dad habang ongoing ang photo shoot ng anak nila ni Cheska, “Our glam team, sina Rain, ginagawang Miss Universe na agad si Kendra, e!”

Kayo dear BANDERA readers, tingin n’yo ba si Kendra Kramer na ang susunod na mag-uuwi ng titulo at korona sa Miss Universe pageant?

Related Chikas:

‘Team Kramer’ kasya sa isang kama

P79k electric bill ng Team Kramer kada buwan bumaba na; The Clash 3 champ pinuri ng Hollywood vocal coach

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending