Inamin ng mag-asawang sina Doug at Chesca Kramer na kasama pa rin nila sa pagtulog ang mga anak na sina Kendra, Scarlet, at Gavin, at hindi pa nila iniisip kung hanggang kalian nila ito gagawin.
“We have been ‘cosleeping’ since Kendra (panganay, 11 taong gulang na ngayon),” ani Chesca sa virtual “slumber party” na idinaos ng Uratex Philippines upang buksan ang pagdiriwang ng “World Sleep Day” sa Marso 19.
Kinumpirma ito ni Doug: “We sleep with all the kids. We have a king-sized bed that can fit all five of us.”
At hindi dito natatapos ang “bonding” ng mag-anak sapagkat tutok din ang mag-asawa sa homeschooling ng mga anak nila, na ginagawa na nila kahit noong wala pang pandemya sa bansa.
“I teach the kids, and Doug also takes care of physical education and other subjects,” binahagi ni Chesca.
Nag-aaral din ng tae kwon do at jiu jitsu, at sumasailalim sa pagsasanay sa boses, drums at piano ang mga bata. “All these are on Zoom. We still don’t allow them to go out because of the pandemic,” dinagdag pa niya.
Samantala, abala rin si Doug sa online business niya, habang kabi-kabila pa rin ang mga virtual meeting ni Chesca.
“We’re really very busy. We’ve been very productive, but there are also days when we relax,” ani Chesca. Kaya kapag natapos na ang araw nila, isang “family devotion” ang ginagawa ng pamilya sa kanilang kama bago matulog.
“Then we watch a movie, sometimes we also have snacks before sleeping. We also share stories in bed,” pagpapatuloy niya.
Gayunpaman, may mga pagkakataon pa ring nahihirapang makatulog ang mag-asawa dahil sa pagkabalisa at labis na pag-iisip.
Upang maging hinahon, sinabi ni Chesca na nagme-meditate siya at nagdarasal. “I clear my mind of what I’m anxious about,” aniya. Para kay Doug, inuusog na lang niya ng oras ng pagbangon upang makabawi, pagkatapos ay mag-e-ehersisyo pagkagising.
Iginiit nina Doug at Chesca ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na tulog, at sinabing hihikayatin nila ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng “World Sleep Day” sa pamamagitan ng pagbabahagi ng halaga ng mainam na tulog sa pagkakaroon ng magandang kabuuang kalusugan.
At para sa Team Kramer, bahagi ng pagkakaroon ng mainam na tulog ang pagsasama-sama sa iisang kama. “We’ll continue to do it while they’re still small,” ani Doug.
Pinayuhan naman ni Chesca ang ibang mga magulang na subukan ito “while your children want to sleep with you.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.