P79k electric bill ng Team Kramer kada buwan bumaba na; The Clash 3 champ pinuri ng Hollywood vocal coach Bandera

P79k electric bill ng Team Kramer kada buwan bumaba na; The Clash 3 champ pinuri ng Hollywood vocal coach

Ervin Santiago |June 11,2021
share this

P79k electric bill ng Team Kramer kada buwan bumaba na; The Clash 3 champ pinuri ng Hollywood vocal coach

Ervin Santiago June 11,2021 - 09:33 AM

MULA sa binabayarang P79,000 kada buwan noon, napababa na ngayon ng Team Kramer ang kanilang electric bill sa P29,000.

Naging trending topic noong June, 2020 ang pamilya nina Chesca Garcia at Doug Kramer nang ibalita nila sa publiko na umabot sa kulang-kulang P80,000 ang kailangan nilang bayaran sa nakonsumo nilang kuryente sa loob lamang ng isang buwan.

Yan ay noong kasagsagan ng lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic kung saan halos ilang buwan silang “nakulong” sa bonggang-bongga nilang rustic industrial home.

Meron itong advanced technology features tulad ng automatic gate, water filtration system, at air conditioner sa bawat kwarto ng mansion.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”, naikuwento ni Doug kung paano nila napababa ang kanilang electric bill sa pamamagitan ng environment-friendly solution.

Aniya, mula sa P79,000 power bill, umaabot na lamang daw ito sa P29,000 to P35,000 a month. At yan ay dahil sa paggamit nila ng solar panels sa kanilang bahay.

“Nagulat talaga kami, napaupo ako,” ang reaksyon ni Doug nang umabot sa P79,000 ang kanilang electricity bill. Feeling nila, parang hindi makatarungan ang gumastos ng  ganu’n kalaki sa kuryente pa lang lalo pa noong panahon ng pandemya.

At dahil nga rito, naisipan niyang mag-install ng solar panels sa napakagandang bahay nila ni Chesca, “Actually, planado lahat ‘yung paglagay namin ng solar panels sa bahay kasi malaki ‘yung space and madami kaming heavy appliances and we were staying in sa bahay.

“For us, it was the mindset of investment, gastos tayo ng konti ngayon…as the years go by mababawi naman ‘yun,” sabi pa ng basketball player.

* * *

Bongga ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin dahil nakuha niya ang atensyon ng Hollywood vocal coach na si Lee Lontoc ng American boutique media company na VisionQuest Sound dahil sa kanyang bagong single na ‘Beautiful’.

Kabilang sa mga nakatrabaho na ni Lee ang mga sikat na international artists na sina Melanie Brown ng Spice Girls at Saoirse Ronan.

Pagpuri niya kay Jessica, “Vocals and production are spot on and I love her energy! Jessica’s voice embodies beauty, grace, power and style. 

“Put these qualities against a catchy song like ‘Beautiful’ and you’ve got a winner! This song could be a hot number this summer with the right push,” papuri pa niya sa Kapuso singer.

Ini-release ng “The Clash Season 3” grand winner ang kantang ito noong nakaraang buwan under GMA Music at napapakinggan na sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms. Mapapanood na rin ang official music video ng “Beautiful” sa YouTube channel ng GMA Music.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending