BUWAN ng Marso ngayong taon nang makilala ni Sharon Cuneta ang asong gala sa Olongapo City kung saan sila nag-shooting ng “Revirginized” kasama sina Marco Gumabao, Rosanna Roces, Cristina Gonzales, at Albert Martinez na idinirek ni Darryl Yap for Viva Films.
Mapagmahal sa aso ang Megastar at naantig ang damdamin niya na habang nagso-shooting sila ay lumapit sa kanya ang asong gala na ayon sa mga tagaroon ay walang nagmamay-ari nito at pinapakain lang din ng mga residente roon.
At pagkatapos ay hindi na nakita ng aktres ang asong gala kaya kaagad siyang humingi ng tulong para mahanap ang #doggieiwantto rescue.
Nahanap ng The Homeless Dog Shelter sa Subic at kasalukuyang ginagamot ang aso bago ito ibigay sa Megastar.
At heto pagkalipas ng siyam na buwan ay kapiling na ni Sharon ang inampong aso na pinangalanan niyang Pawi.
Sa video post ng aktres sa kanyang Instagram nitong nakaraang araw ay kitang-kita kung gaano siya kasabik makita si Pawi na niyakap at hinalikan pa.
Ang caption niya, “PAWIBOY’s HOME!!!!!!!! (emoji hearts, praying hands at dogs). Nakakatuwa dahil documented ang lahat ng kilos ng bagong fur baby ni Shawie na pati pag-inom, pagkain, at pag-amoy-amoy nito sa buong kuwarto kasama na ang bonding moments nito sa ibang alaga tulad nina Lili at Suki kasama ang bunsong anak na si Miguel.
View this post on Instagram
Dinala rin si Pawi sa balcony ng bahay para ipakita ang labas, “you those houses, that’s where your mama grow up. See pawi’s plants and your audience, ha, haha.”
Nasa loob kasi ang ibang fur babies ni Sharon at panay ang tahol dahil gusto ring lumabas.
“They said, hi Pawi, wagging your tail? These are you family Paw, say hi (sa ibang doggies),” saad ng aktres.
At binigyan din ng treats ni Sharon si Pawi kasama ang ilang alaga, “Treats time! Pawiboy getting to know the fur family one by one.”
Samantala, lumipad patungong Cebu City ang Megastar kaninang umaga kasama ang asawang kumakandidatong bise presidente ng bansa, si Senator Kiko Pangilinan.
Caption ni Sharon habang nakasakay ng chopper, “Live from Cebu this morning.
“From Mayor Chua of Lapu Lapu City: National media unaware of extent of damage. They need help 24K homes completely destroyed. Olangon Island with 12K households still isolated. Relief operations still not enough. No water. No electricity. No wi-fi. 42 ships run aground. 2 sank. Fear of oil spill.
“Need water. Power and telco restoration of services. Air and sea transport urgently needed to transport goods to Olango island.”
Dagdag pa, “I’m here with Kiko not to campaign, we’re not wearing campaign colors. We are going to distribute some help to the some of the victims of typhoon Odette.”
Related Chika:
Sharon bumili ng sosyal na collar sa Italy para sa inampon na Aspin, pero nalungkot dahil…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.