‘Ang Probinsyano’ hindi pa rin matatapos; Sharon nabitin sa taping
TRULILI kayang paabutin ng 7th year anniversary ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na kasalukuyang ipinagdiriwang ika-anim na taong anibersayo nitong September?
Ayon sa tsikang narinig namin ay hindi pa tatapusin ang longest running drama and action series ng ABS-CBN at ang maganda nito ay mag-aabot sila ng “Darna” series na ipalalabas na sa unang quarter ng 2022.
Sa madaling salita ay may mga guest pang ipapasok sa “FPJAP”? Nabibitin daw ang viewers sa pasulput-sulpot na eksena ni Sharon Cuneta at looking forward na anng next scene with Julia Montes na nagkita na sila ng tunay niyang ina, pero tinakasan naman nito sa hospital.
View this post on Instagram
Samantala, tila may nabanggit si Megastar na nabitin daw siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at sana ma-extend siya. Ibig bang sabihin tapos na siyang mag-taping?
Sana kasama pa rin ang aktres hanggang sa huling episode ng aksyon serye dahil sabi nga si Julia na ang huling pag-ibig ni Coco, e, di ang ending may kasalang magaganap, dapat parehong naroon pa ang magulang ni Mara na sina Rowell Santiago bilang si Presidente Oscar Hidalgo at Sharon as Aurora para happy ending naman ang kuwento ng buhay ni Cardo.
Ha, ha, ha, minamadali na raw namin ang kuwento. Pero oo nga nasisilip namin ang FPJ’s Ang Probinsyano” sa YT pahulaan kung magiging kakampi sa huli o mananatiling kaaway si John Wayne Sace ng Task Force Aguila.
Samantala, marami kaming nabasa na sana hindi mawala si Tommy Abuel bilang si Don Ignacio para complete family pa rin sina Aurora kasama sina Mara at President Oscar.
“Tommy Abuel is a great actor, he needs more projects,” sabi ng netizen na si John Joshua.
Mula kay @Green Tea, “Tommy Abuel!! Childhood legend.”
May napuna naman ang netizen na si LL UNBOX, “Parang 2 days ago lang ‘yung flashback scene ni ate Shawee. Parang di bagay sa hitsura na sunud-sunuran pa rin sa tatay. Sana mejo pinabata ng konti ang hitsura.”
At marami kaming nabansang pang best actress ang acting ni Sharon na never bumitaw panoorin gabi-gabi ng viewers mula sa iba’t ibang probinsya.
Say naman ni @Sahj Eduarte, “This is the teleserye na khit mtagal na, may kaabang-abang na next episode. All cast are going great, lahat cla magagaling, from big stars up to supporting actors!”
Related Chika:
Si Sharon na kaya ang hinihintay para sa pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.