Si Sharon na kaya ang hinihintay para sa pagtatapos ng 'Ang Probinsyano'? | Bandera

Si Sharon na kaya ang hinihintay para sa pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’?

Reggee Bonoan |November 27,2021
facebook
share this

Si Sharon na kaya ang hinihintay para sa pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’?

Reggee Bonoan - November 27, 2021 - 03:06 PM

Si Sharon na kaya ang hinihintay para sa pagtatapos ng 'Ang Probinsyano'?

IPINAKITA na si Sharon Cuneta sa “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong Biyernes bilang si Aurora at tatay pala niya si Don Ignacio na ginagampanan ni Tommy Abuel.

Nasa ibang bansa si Sharon at nakatanggap siya ng tawag mula sa Chief of Staff ni Tommy na si Vangie Labalan para sabihing “Aurora, kritikal ang kalagayan ng papa mo ngayon.”

Sa Lunes, Nobyembre 29 mapapanood ang episode ni Sharon sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at sa pagkakaintindi namin ay uuwi siya ng Pilipinas para siyempre bantayan at asikasuhin ang ama.

Sa madaling salita, lolo ni Julia Montes bilang Mara si Don Ignacio na gustung-gusto niyang patayin dahil sa awayan sa lupa bukod pa sa maraming pinapatay ang matanda na kasamahan nila sa bukid.

Balitang anak kasi ni Sharon si Julia na ang ama ay si Presidente Oscar Hidalgo na karakter ni Rowell Santiago na ngayon ay nagbabalik sa sariling bayan.

Mahaba pa raw ang itatakbo ng kuwento ng anim na taong serye ni Coco Martin ngunit totoo nga kayang si Sharon na ang huling guest ng “FPJ’s Ang Probinsyano”?

Nasa teaser din na si Mara na ang huling pag-ibig ni Cardo Dalisay, so tatapusin na nga?

Base rin ito sa tsikahan nina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika sa online show na “Cristy Ferminute” nitong Huwebes, Nob. 25.

“Ang malinaw, siya (Sharon) raw ‘yung tatahi ng mga away-away. Siya raw ‘yung role na pagtatagpo=tagpuin ang mga kalabang kampo at siya ang mag-aayos, parang ganu’n,” bungad kuwento ni ‘nay Cristy.

Dagdag pa, “paano kaya ‘yun kelan kaya hihinto sa pagtakbo nang pagtakbo si Rowell Santiago bilang si Pangulo? Magkikita kaya sila sa Safari hotel, ha, ha, haha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Sabi naman ni Romel, “tagpi-tagpi ito ‘nay? Baka ito na ‘yung mga last episodes dahil eto na ang Sharon, siya na ang magbubuo ng FPJ’s Ang Probinsyano ang katapusan, ganu’n ba ‘yun?”

“Totoo ‘yan, siya ‘yung bagong karakter na papasok na siyempre magkakaroon pa rin ng mga labanan alangan namang hindi, ang daming kampo nito na nagbabarilan, nag-uupakan.

“Pero siyempre dahil kay Sharon Cuneta magkakaroon ng ika nga, eh, kung baga sa labanan ng Militar at NPA, e, ceasefire.

“At alam mo si Sharon tuwang-tuwa na nandoon siya sa Vigan, aliw na aliw siya sana raw magtagal pa siya doon, e, ang daming karakters ng Ang Probinsyano, e, di masaya. Siguradong ang saya-saya nila,”pahayag ng online host at manunulat.

Pakiwari naman ni Romel Chika ay baka ito na ang huling season ng “Ang Probinsyano” ni Coco.

“Kasi sino pa ang susunod after Megastar? Kundi tatapusin na at panibagong yugto ng kuwento ng FPJ (movies) siguro ito,” say ni Romel Chika.

“E, malay mob aka may bumagsak na eroplano kung saan man doon, bumaba si Julia Roberts, di ba? Ha, ha, haha,” tumatawang sabi ni ‘nay Cristy.

Sabay sabing, “Biro lang maaring siya na nga ang magtitiklop ng libro ng Ang Probinsyano. Isipin mo, sino pa baa ng pupuwede (malalaking artista). Of course marami tayong mababanggit na pangalan pero ang ultimo ay si Sharon Cuneta.”

Paniniwala rin ni Romel Chika nab aka may bagong teleserye ulit si Coco na “Batang Quiapo” na rating pelikula ng namayapang Fernando Poe, Jr kasama si Maricel Soriano.

Say naman ni ‘nay Cristy,“hindi ko lang alam kung ‘yun pa rin ang naka-plano kasi maraming puwedeng pag-pilian at ikalawa huling guest si Sharon Cuneta (at) huling pag-ibig ni Coco Martin si Julia Montes.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hmm, huling pag-ibig ni Coco si Julia, true to life story kaya ito nang dalawa? At sa pagtatapos kaya ng serye ay aamin na ang dalawa?

Related Chika:
Sharon inalala ang mga paandar ni FPJ: Pag may umapi sa ‘yo, alam mong to the rescue siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending