Bubble Gang babe Ashley Rivera hindi kinaya ang powers ni John Lloyd; Hipon Girl may pasabog sa 'TBATS' | Bandera

Bubble Gang babe Ashley Rivera hindi kinaya ang powers ni John Lloyd; Hipon Girl may pasabog sa ‘TBATS’

Ervin Santiago - December 19, 2021 - 01:01 PM

Herlene Budol, John Lloyd Cruz at Ashley Rivera

“NAKAKA-STARSTRUCK! Hindi ko kinaya talaga!” Iyan ang inamin ng Kapuso actress na si Ashley Rivera patungkol sa bagong Kapuso na si John Lloyd Cruz.

Isa sa mga Kapuso stars na maswerteng nakasama sa unang proyekto ni John Lloyd sa GMA ay si Ashley, ito nga ay ang sitcom na “Happy ToGetHer.” 

Natanong ang dalaga sa Kapuso Showbiz News kung ano ang first impression niya sa aktor nang magkita sila sa kauna-unahan nilang taping.

“Hindi ko in-expect na ang tangkad niya pala! ‘Yun ‘yung first impression ko. Parang ‘Oh my gosh ang tangkad mo pala!'” ang tila kinikilig na chika ni Ashley.

“Tapos, nakaka-starstruck. Hindi ko kinaya talaga,” sey pa ng aktres na unang nakilala sa social media bilang si Petra Mahalimuyak.

“Actually na-meet ko na siya before pa, na-starstruck na rin ako. Pero ito ‘yung kumbaga ‘yung magkasama kami sa trabaho tapos na-starstruck pa rin ako, tapos mawawala ako sa sarili ko. ‘Oh my gosh, wait! Hindi ko ma-contain talaga ‘yung kilig ko,'” pag-amin pa ng “Bubble Gang” babe.

Puring-puri rin niya ang kabaitan, pagiging palabiro at pati ang professionalism ni Lloydie, “Mabait siya. He’s super nice, and genuine ‘yung kung paano siya. 

“Marunong siyang makisama. May sense of humor din siya, nakakatawa siya. Minsan lang siya humirit pero pasok ‘yung joke niya,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Ashley Rivera (@itsashleyrivera)

https://bandera.inquirer.net/289568/rason-ni-john-lloyd-kaya-nagbalik-showbiz-gusto-ko-makita-ako-ng-anak-ko-na-nagtatrabaho

* * *

Ngayong gabi, Dec. 19, ibabandera ng Kapuso host-comedienne na si Herlene “Hipon Girl” Budol ang maiinit na rebelasyon tungkol sa kanyang sarili sa fresh episode ng “The Boobay And Tekla Show”.

Ilang araw na lang at Pasko na kaya naman isang fresh episode na punong-puno ng kasiyahan at kuwentuhan ang handog ng inyong favorite late night habit, ang “TBATS.”

Tonight, makaka-bonding ng Kapuso comedy duo na sina Boobay at Tekla ang isang bubbly at energetic na actress-comedienne, part-time TV host, at rising vlogger. Walang iba ito kung hindi si Hipon Girl.

Tutukan ang nakakalokang interview segment na “May Pa-Presscon,” kung saan tatanungin nina Boobay at Tekla si Hipon Girl tungkol sa mga naging kaganapan nito mula sa beauty pageants, love life, at ang kanyang desisyon na sumabak sa pag-arte.

Masusubukan din ang galing ng aktres sa English sa nakatutuwang segment na “Don’t English Me.”

Sa larong ito, mag-isang ita-translate ng komedyante ang mga Filipino phrases sa English habang ang ibang cast ng TBATS ang huhula sa mga ito.

But wait, there’s more: muling babalik si Herlene sa hot seat para sa mas marami pang pasabog na rebelasyon sa “Guilty or Not Guilty.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya huwag na huwag aabsent sa Christmas episode ng “The Boobay And Tekla Show” ngayong gabi na yan, Dec. 19, 10:30 p.m. sa GMA pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending