'PBB 10' ex-housemates nag-reunion sa outside world; ShaiBie, KyChie nagpakilig | Bandera

‘PBB 10’ ex-housemates nag-reunion sa outside world; ShaiBie, KyChie nagpakilig

Therese Arceo |December 17,2021
facebook
share this

‘PBB 10’ ex-housemates nag-reunion sa outside world; ShaiBie, KyChie nagpakilig

Therese Arceo - December 17, 2021 - 08:39 PM

PBB 10 ex-housemates nag-reunion sa outside world; ShaiBie, KyChie nagpakilig

TILA mini reunion ang naganap nang magkita-kitang muli ang mga “PBB 10” ex-housemates.

Present ang lahat ng ex-housemates mula sa first evictee na si John Alajar hanggang sa last evictee na si Shanaia Gomez.

Kasama rin dito sina Albie Casino, Chie Filomeno, Kyle Echarri, TJ Valderrama, Karen Bordador, at Benedix Ramos.

Sa Twitter account ni Karen Bordador ay ibinahagi niya ang ilang mga litrato kasama ang kanyang mga housemates.

Marami naman ang kinilig nang makita ring magkasama sina ang ShaiBie (Shanaia Gomez at Albie Casino) at KyChie (Kyle Echarri at Chie Filomeno).

“Hoy aminin lakas ng chemistry ng ShaiBie konting pukpol lang talaga dito ng Ignacia lalayag yan ng bongga. Lakas ng chemistry, lakas ng appeal!” comment ng isang netizen.

“Pakitanong naman po ate Karen kay Chie kung anong brand ng abs niya,” saad ng netizen na na-amaze sa abs ng Girltrends member na si Chie.

“It seems that both of them are finally happy so who are we to judge?” hirit naman ng netizen sa tambalang KyChie.

Kapansin-pansin naman ant pagpayat ng ex-housemate na si TJ Valderrama na pinuri ng netizens dahil bumagay raw sa binata ang kanyang pagpayat.

Sa mga ibinahaging litrato at videos na ibinahagi ni Karen ay makikitang tila nag-rerehearse ang grupo para sa isang production number.

Ang muling pagsasama-sama ng PBB ex-housemates ay para sa gaganaping Christmas special ng ABS-CBN sa Sabado, December 18.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami namang fans na umaasa na muli silang magkita-kitang mga housemates kasama naman ang mga natitira pa sa loob ng Bahay ni Kuya na sina Madam Inutz, Alexa Ilacad, KD Estrada, Anji Salvacion, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Jordan Andrews, Eian Rances at Brenda Mage.

Related Chika:
TJ Valderrama binigyan ng flowers si Karen Bordador sa kanilang muling pagkikita

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending