TJ Valderrama binigyan ng flowers si Karen Bordador sa kanilang muling pagkikita
NAGKITANG muli ang “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” ex-housemates na sina Karen Bordador at TJ Valderrama.
Matatandaang magkasabay na lumabas ng Bahay ni Kuya sina Karen at TJ dahil sa nagdaang kauna-unahang double eviction noong December 5.
Sa pagkikita ng dalawa ay binigyan ng flowers ni TJ ang kaibigan bagay na labis na ikinatuwa ng dalaga.
Nilinaw naman ng dalaga na walang malisya ang pagbibigay ni TJ ng flowers at talagang close friends lang sila.
“First date with a housemate! Guess who!!! It’s @tjvalderrama! Ang sweet namannnn!! Walang ship toh guys!!! Friends for life lang!” saad ni Karen sa kanyang tweet.
Marami namang netizens ang nag-reply sa tweet at kinumusta ang isa sa mga kontrobersyal na housemate na si TJ para sa edisyong ito.
Ito ay matapos umapela ang netizens sa kanyang “closeness” sa female housemate na si Shanaia Gomez.
Bukod pa rito ay hindi rin nagustuhan ng mga netizens ang pagiging “Marites” nito sa loob ng Bahay ni Kuya.
First date with a housemate!
Guess who!!! It’s @Tjvalderrama !
Ang sweet namannnn!! Walang ship toh guys!!! Friends for life lang! 😅
Having lunch now. He says hello everyone!!! 😉 pic.twitter.com/uq0jnCKt6H— Karen Bordador (@Karen_Bordador) December 13, 2021
“Hello @tjvalderrama hope you are doing well. I know you are facing some criticisms that people thrown at you inside PBB house but I am looking forward that you will not down yourself because at the end, you are the only one who knows the truth, the real you,” saad ng isang netizen.
“I wish you well Kuya TJ! I hope and pray that your mental health is okay. Hopefully you can grow and heal from the experience. Hopefully you take those events and criticisms into account and become better as a person and in your craft,” sabi naman ng isang netizen.
Ilan lamang sina Karen at TJ sa mga nag-trending sa social media lalo na noong nagkaroon sila ng komprontasyon matapos matalo sa “Tic-Tac-Toe” game.
Pero sa huli naman ay nagkasundo rin ang dalawa at namayani pa rin ang kanilang pagkakaibigan ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nagpatuloy ang kanilang “PBB” journey dahil sa tuluyan na nilang paglabas ng Bahay ni Kuya.
Related Chika:
TJ Valderrama, Karen Bordador tanggal na rin sa ‘PBB 10’, Alexa Ilacad nakaligtas na naman
‘PBB’ housemates TJ Valderrama, Karen Bordador nagkomprontahan, nagsagutan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.