Angel namigay agad ng tulong sa mga biktima ni Odette; Nadine nanawagan din ng ayuda
Angel Locsin at Nadine Lustre
TULAD ng inaasahan ng madlang pipol, mabilis na namang nagsagawa ng relief operations ang Kapamilya actress-philanthropist na si Angel Locsin para sa mga biktima ng super typhoon Odette.
Dumating ang team ni Angel sa volunteer center (headquarters) nina Vice-President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Katipunan, Quezon City para ihatid ang kanilang tulong.
Agad na ginawang disaster relief center ang nasabing lugar para sa lahat ng mga relief goods at iba pang tulong para sa mga biktima ng bagyong Odette sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao, base na rin sa ulat ng ABS-CBN at sa naglabasang litrato sa social media.
Dahil sa agad na paghahatid ng tulong ni Angel sa mga sinalanta ng super typhoon muli siyang pinasalamatan ng mga netizens at nangakong patuloy siyang susuportahan at ipagdarasal.
Kung matatandaan, tinaguriang real life Darna ang misis ng film producer na si Neil Arce dahil sa walang sawa niyang pagtulong tuwing may krisis at kalamidad sa bansa, lalo na noong kasagsagan ng coronavirus pandemic.
* * *
Nanawagan naman ang aktres na si Nadine Lustre sa mga may kakayahan na tumulong sa mga biktima ng super typhoon Odette.
Isa ang isla ng Siargao pati na ang ilang kalapit na probinsya sa matinding hinagupit ng bagyo kagabi hanggang ngayong araw.
May property din si Nadine sa Siargao kaya kapamilya na rin ang turing niya sa mga tagaroon. Hindi naman nabanggit ng aktres kung naroon siya habang nananalanta ang super typhoon Odette.
“I’ve been frantic all day. my cortisol (stress hormones) level hasn’t been this high in ages.
“I can’t even think straight. Please, let’s all help everyone affected by Typhoon Odette,” ang mensahe ni Nadine na ipinost niya sa Twitter.
Kahapon pa nagbibigay ng update si Nadine sa tungkol sa nasabing bagyo at sa isinasagawang mga relief drive sa isla pati na ang mga donation channels sa pamamagitan ng social media.
May nabanggit din ang aktres ngayong araw sa kanyang post tungkol sa isang airport na inilarawan pa niyang “freakin’ war zone” ngunit hindi naman niya nasabi kung sa Siargao nga ito at kung naroon pa siya.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/300706/andi-humiling-ng-dasal-habang-binabayo-ng-super-typhoon-odette-ang-siargao
https://bandera.inquirer.net/300806/pamilya-ni-beatrice-gomez-sa-cebu-apektado-rin-ng-bagyong-odette-beauty-queen-nangako-ng-relief-mission
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.