Kim Chiu, Zeinab Harake niregaluhan ng P100k ang isang fan | Bandera

Kim Chiu, Zeinab Harake niregaluhan ng P100k ang isang fan

Therese Arceo |December 16,2021
facebook
share this

Kim Chiu, Zeinab Harake niregaluhan ng P100k ang isang fan

Therese Arceo - December 16, 2021 - 02:53 PM

Kim Chiu, Zeinab Harake niregaluhan ng P100k ang isang fan

NAGSANIB-PWERSA ang Kapamilya star na si Kim Chiu at social media influencer na si Zeinab Harake para magpasaya ng isang fan ngayong Pasko.

Sa “vlogmas” series ni Zeinab na pinamagatang “Santa Zebby” ay nakipag-collab siya sa mga kapwa vloggers upang magbigay saya ngayong Pasko sa mga netizens.

Ang mga napiling netizens ay mga letter senders samantalang ang mga ka-collab naman ni Zebby ang maglalaro para sa premyo ng napiling netizen.

Sa isang episode nga ay naka-collab niya ang nag-iisang Chinita Princess na si Kim Chiu.

Isang working student naman ang napiling maging beneficiary ng mga malilikom na pera ni Kim sa kanyang paglalaro.

“Para po sa pamilya ko po [ang premyo] kasi po ‘yung mama ko po, domestic helper po tapos ang papa ko po sa water station po nagtatrabaho. Bali ako po, 19 years old pa lang, nagtatrabaho na po ako habang nag-aaral,” pagbabahagi ni napiling netizen na si Krysthan.

Sa bawat red Christmas balls na makukuha at maisasabit ni Kim sa Christmas tree ay magwawagi siya ng P5,000 samantalang P1,000 naman sa bawat gold Christmas balls na kanyang makukuha sa loob ng tatlong minuto.

Game na game naman na naglaro si Kim kahit na takbuhan ang labanan at may mga traffic cones na dapat daanan bago nito marating ang Christmas tree para makapagbigay ng masayang pamasko kay Krysthan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

“Gawin mong P100,000 ‘yan, a?” hamon ni Zeinab kay Kim.

Medyo napapagod man ay pinilit pa rin ni Kim na makakuha at makapagsabit ng maraming Christmas balls.

Sa huli ay nakalikom si Kim ng P54,000 na dinagdagan pa ni Zeinab ng P10,000 kaya P64,000 ang maiuuwing pera ni Krysthan.

Labis ang saya naman na nararamdaman ni Krysthan sa malaking halagang maiuuwi niya sa pamilya.

“Magkano pa ba kulang? 36? Dadagdagan ko ng P36,000 para maging P100,000!” masayang saad ni Kim.

“From the heart, naiiyak na rin ako,” dagdag pa ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talaga namang merry ang Pasko ng dalaga dahil mag-uuwi siya ng tumataginting na P100,000!

“Thank you po… Malaking tulong po ito sa pamilya ko,” umiiyak na saad ni Krysthan sabay yakap kay Kim.

Related Chika:
Zeinab Harake inaatake ng postpartum depression: Iyak ako nang iyak, nai-stress ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending