'Pagsanjan Falls' ni Rita nakita na ni Ken; game na game sa halikan at love scene | Bandera

‘Pagsanjan Falls’ ni Rita nakita na ni Ken; game na game sa halikan at love scene

Ervin Santiago - December 16, 2021 - 08:10 AM

Rita Daniela at Ken Chan

SIGURADONG ikagugulat n’yo rin ang mga pasabog na sex scenes nina Rita Daniela at Ken Chan sa launching movie nilang “Huling Ulan Sa Tag-araw.”

Napanood na namin ito sa ginanap na press at celebrity screening recently na ginanap sa Gateway Mall cinema 1 sa Cubao, Quezon City kung saan dumalo nga ang Kapuso loveteam.

In fairness, bukod sa pang-best actor at pang-best actress ang ipinakitang akting nina Ken at Rita sa pelikula, first time n’yo ring mapapanood ang dalawa sa kanilang super pasabog na halikan at love scene.

Biro nga namin after ng special screening, may “pa-spaghetti pababa at spaghetti pataas” pang ginawa si Rita kay Ken na gumaganap na “pokpok” sa movie habang isang seminarista naman ang Kapuso actor.

Hindi naman mahalay o bastos ang pagkakagawa ng kanilang direktor na si Louie Ignacio, naalagaan naman niya ang dalawang bida sa kanilang love scene.

Sa ginanap ngang presscon pagkatapos ng pelikula, natanong ang magka-loveteam tungkol dito pati na rin ang walang takot na pagta-topless ng dalaga para sa music video ng theme song ng “Huling Ulan Sa Tag-araw” na isa nga sa mga entry sa Metro Manila Film Festival 2021.

View this post on Instagram

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


Sa nasabing music video, makikita sina Ken at Rita na nakababad sa Pagsanjan Falls sa Laguna kung saan kinunan ang halos kabuuan ng pelikula.

Reaksyon ni Ken, nakita raw niya ang “totoong Pansanjan Falls” nang mag-topless ang ka-loveteam. Sa katunayan, parang nakaramdam pa raw siya ng “aftershock” after kunan ang nasabing mga eksena.

Saludo nga raw siya sa katapangan at dedikasyon ng dalaga sa trabaho dahil lahat ng ipinagawa sa kanya ni Louie sa movie ay hindi niya hinindian.

“Itong si Rita, sabi nga ni Direk Louie, palaban talaga ito. Walang inaayawan kahit anong eksena, doon ako nagugulat sa kanya, na game na game siya.

“Ganu’n siya ka-dedicated sa trabaho niya. Hindi siya ‘yung nahihiya na magpapaalam muna siya sa handler o manager niya, hindi.

“Siya mismo magde-decide sa sarili niya, ‘kaya ko ‘to para sa ikagaganda ng pelikula.’ Kaya tingnan n’yo naman po ang pelikula. 

“Kung hindi ginawa ni Rita ‘yung mga gustong ipagawa ni Direk, kung ano ‘yung mga nabi-visualize nila, hindi rin magiging ganoon ‘yung magiging resulta kasi meron siyang limitasyon pero kasi si Rita, nagugulat pa rin ako sa kanya kahit tatlong taon na kaming magkasama,” pagmamalaki pa ni Ken kay Rita.

Showing na ang “Huling Ulan Sa Tag-araw” sa Dec. 25 sa mga piling sinehan nationwide bilang bahagi ng MMFF 2021. Kasama rin dito sina Lotlot de Leon, Richard Yap, Ahwel Paz at marami pang iba, mula sa Heaven’s Best Entertainment.

View this post on Instagram

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/287629/rita-daniela-ken-chan-may-sariling-diskarte-sa-paggawa-ng-love-scene-kailangang-maging-makatotohanan
https://bandera.inquirer.net/288084/ken-rita-napagkakamalang-tunay-na-mag-asawa-malalim-na-ang-relasyon-namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending