KILIG at pasasalamat ang ipinaabot ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere sa kanyang Pinoy followers.
Sa kanyang Instagram story nitong Sabado ng gabi, naka-finger hearts ang beauty queen habang naka-overlay ang message ng isang Filipino fan.
Sey ng Pinoy sa kanyang direct message, “[You’re] stunning more than delegates. [Y]ou are my favorite miss universe. [Y]ou have a unique and classy styling yourself. [S]ending love (heart emoji) mabuhay (Philippine flag emoji).”
Sinagot naman ito ng French beauty at nagpasalamat sa lahat ng kanyang supporters dito sa bansa.
“Sending my love to my Filipino followers (heart emoji) you were the first to truly believe in me. And I will forever be grateful for that (heart emoji) salamat po! (Philippine flag emoji).” sa kanyang IG story.
Kung matatandaan, sa kanya ipinasa ni Pia Wurtzbach ang Miss Universe crown dito sa bansa noong 2016.
Minahal at talagang sinuportahan din siya ng pageant fans dahil sa kanyang angking glow at elegance lalo na noong final coronation night.
Anyway, umupo siya bilang isa sa mga selection committee members ng Miss Universe 2021 preliminary at final shows. Makakasama niya ang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera.
Si Beatrice Luigi Gomez ang pambato ng Pilipinas na inaasahang makapag-uuwi ng ikalimang Miss Universe crown.
BASAHIN: Bea Gomez hindi nagpaawat sa Miss Universe 2021 preliminary show
Samantala, knows niyo ba na may mga binihisang judge at isang kandidata ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco noong preliminary competition?
Inirampa ni Miss Universe USA Elle Smith ang gown na kabilang sa Fall-Winter 2021 collection ni Cinco. Fabulous sa kanyang green gown with thigh-high slit si Smith.
Dalawang dating kandidata ng Miss Universe na umupo bilang official judge naman ang umawra din suot ang Michael Cinco coutures.
Walang kupas ang ganda ng Bollywood star na si Urvashi Rautela sa strapless ball gown ni Cinco. Kasabayan siya ni Pia Wurtzbach noong 2015 representing India.
Stunning naman in her form-fitting green gown si Miss Universe 2016 Mittenaere. Kitang-kita ang kanyang glow at tangkad dito.
Ang lahat ng gowns ay kabilang sa The Impalpable Dream of Jaipur collection ni Michael Cinco.
Kaabang-abang din ang mga isusuot ng judges at kandidata bukas sa final coronation night, Disyembre 13 (oras sa Maynila).
Related Chikas:
Miss Universe Bahrain bumuwelta sa mga laiterang Pinoy: I see so many bullies from these pictures…
Dingdong Dantes naging water boy ni Marian sa Miss Universe 2021 prelims