Miss Bahrain hindi nag-bikini sa swimsuit presentation ng Miss U; Miss France winner na rin matapos gumaling sa COVID
Miss Bahrain at Miss France
HINDI pa man ginaganap ang grand coronation night para sa 70th Miss Universe, maituturing na ring maswerte ang kandidata ng France na si Clemence Botino.
Matapos kasing magpositibo sa COVID-19 nang dumating siya sa Eilat, Israel kung saan gaganapin ang finals night ng 2021 Miss Universe ay kinailangan niya agad magpa-quarantine.
Takang-taka raw si Miss France dahil bukod sa fully-vaccinated na siya ay negative rin ang resulta ng kanyang swab test nang umalis sa kanilang bansa.
Talaga raw iniyakan nang bonggang-bongga ni Botino nang malamang positive siya sa COVID-19 test nang dumating sa Israel.
Dinala agad si Botino sa isang quarantine facility sa Jerusalem para doon siya maobserbahan at magpagaling. In fairness, kahit na ganoon ang nangyari, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang dalaga.
Habang naka-quarantine ay gumawa ng mga nakaaaliw at inspiring na TikTok videos si Miss France na ikinatuwa naman ng kanyang mga supporters.
At makalipas nga ang 10 araw, binigyan na siya ng clearance para ipagpatuloy ang kanyang pagrampa at paglaban sa Miss Universe 2021.
Matapos matanggap ang good news, agad niya itong ibinahagi sa buong universe, “Even if it’s hard, I won’t give up. Life has brought me to Israel and everything is ready. Every situation are supposed to make us stronger.”
Pinuri rin si Botino ng mga netizens dahil sa bonggang sa pagrampa niya sa preliminary competition ng 70th Miss Universe na naganap nitong nagdaang Dec. 10, na napanood nang live sa Pilipinas kahapon ng madaling araw.
View this post on Instagram
Samantala, hinangaan at super clap naman ang mga pageant fans all over the universe nang rumampa si Miss Universe Bahrain 2021 Manar “Jess” Deyani sa nakaraang preliminary competition ng Miss Universe.
Marami ang nagulat nang rumampa siya sa stage nang naka-jumpsuit sa swimsuit presentation.
Nagdesisyon ang dalaga na huwag mag-two-piece bikini bilang respeto sa kanyang bansa na isang Muslim country.
Makikita si Miss Bahrain suot ang kanyang half-turtle neck, quarter-sleeved jumpsuit with matching belt na may animal-print buckle.
Siya ang kauna-unahang kandidata ng Bahrain sa nasabing international pageant na inilarawan bilang isang fashion, beauty at lifestyle influencer.
“She hopes to inspire the next generation of women to be more comfortable in their skin and embrace all the flaws that make them unique,” ang description pa sa kanya habang rumarampa.
Naging kontrobersyal din ang dalaga nang laitin ng ilang Pinoy pageant fans dahil sa isang litrato kasama sina Miss Bolivia, Miss Chile at Miss Czech Republic.
Komento ng mga bashers, hindi raw pang-beauty queen ang datingan ni Miss Bahrain at iba pang masasakit na salita.
Pero sa halip na pagsalitaan din ng masama ang kanyang haters, isang positibo at inspiring message ang ibinahagi niya sa mga ito.
“I am here to have a representation for all women regardless of the shape, size, religion or color,” sabi ng beauty queen.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/299109/miss-universe-france-nagpositibo-sa-covid-19-even-if-it-is-hard-i-wont-give-up
https://bandera.inquirer.net/300194/miss-universe-bahrain-bumuwelta-sa-mga-laiterang-pinoy-i-see-so-many-bullies-from-these-pictures
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.