'The Clash' Top 6 haharap sa pangmalakasang twist; wala nang atrasan sa biritan showdown | Bandera

‘The Clash’ Top 6 haharap sa pangmalakasang twist; wala nang atrasan sa biritan showdown

Ervin Santiago - December 11, 2021 - 02:10 PM

Top 6 Clashers ng ‘The Clash’ Season 4

NGAYONG gabi na magaganap ang inaabangang bonggang showdown ng napiling Top 6 contestants sa “The Clash” season 4 sa GMA 7.

Ito’y matapos nga ang makapigil-hiningang pagpili last week ng Clash panel na kinabibilangan nina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas sa anim na deserving Clashers.

Sa next round ng “The Clash” 2021 muling maghaharap sa stage ang  Top 6 na kinabibilangan nina Julia Sebad, Lovely Restituto, Mariane Osabel, Mauie Francisco, Rare Columna at Renz Fernando.

Naging mainit ang laban nitong nagdaang weekend kung saan natanggal sa Top 8 si Jeffrey dela Torre ng Parañaque City na sinundan naman ni Vilmark Viray ng Pampanga.

View this post on Instagram

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


Base sa inilabas na teaser ng GMA 7, nabanggit na huling tatlong  episodes na lang bago ang finale. Meaning, sa Dec. 19, Linggo ay may bago nang tatanghaling grand champion ang “The Clash.”

At abangan din ang nabanggit ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa episode last week tungkol sa isa na namang pangmalakasang twist sa  paghaharap ng Top 6 contestants.

Kaya huwag nang bibitiw sa nalalapit na pagtatapos ng “The Clash”, tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa GMA 7 lang.
https://bandera.inquirer.net/291474/journey-ni-julie-anne-mahirap-ipaliwanag-top-30-clashers-bakbakan-na-sa-the-clash-4
https://bandera.inquirer.net/295018/ai-ai-lani-christian-sa-the-clash-4-hinahanap-namin-total-package-pero-sana-mabait-walang-attitude

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending