Bea Gomez tinuksu-tukso kay Miss Armenia: 'Sige iuwi mo nang sabay ang korona at lovelife!' Bandera

Bea Gomez tinuksu-tukso kay Miss Armenia: ‘Sige iuwi mo nang sabay ang korona at lovelife!’

Ervin Santiago |December 07,2021
share this

Bea Gomez tinuksu-tukso kay Miss Armenia: ‘Sige iuwi mo nang sabay ang korona at lovelife!’

Ervin Santiago December 07, 2021 - 07:41 AM

Beatrice Luigi Gomez at Miss Armenia Nane Avetisyan

INULAN ng tukso sina Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez at Miss Armenia Nane Avetisyan nang lumabas ang kanilang nakaka-good vibes na video sa Twitter page ng Miss Universe Organization.

Aliw na aliw ang mga pageant fans sa mga paandar ng dalawang kandidata sa 2021 Miss Universe pageant na mapapanood sa maikling video na kuha sa isang lugar sa Eilat, Israel.

Makikita sa video sina Bea Gomez at Miss Armenia sakay ng isang ATV (all-terrain vehicle) at enjoy na enjoy sa kanilang activity. At talagang tumigil pa sila sa isang bahagi ng disyerto para mag-pictorial.

Pero ang talagang pinusuan at ni-like ng mga netizens ay nang kargahin ni Bea si Nane na may caption na, “Always ready for a photo op! #missuniverse.”

Dahil dito, inulan ng tukso at pang-aasar ang Pinay beauty queen at karamihan sa kanila ay nagkomento ng, “korona” raw ang dapat unahin ni Bea at hindi ang kanyang “lovelife.”

Halos lahat naman ay alam nang proud bisexual ang bet ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon. Kamakailan lamang ay kinumpirma ng dati niyang karelasyon na si Kate Agdon na tinapos na nila ang pitong taong pagsasama.

Samantala, nag-post din si Miss Armenia sa kanyang Instagram page ng ilang photos kasama si Beatrice at iba pang mga kandidata sa Miss Universe 2021.

Sa caption, tinawag pa niyang “partner in crime” si Bea, “Today we had a crazy day with my girls (zany face emoji).

“If I got payed every time when I heard, ‘You are going fast’ (flushed face emoji)or, ‘Slower’ (weary face emoji) or ‘please be careful’???? … I would be a millionaire now (grinning face with smiling eyes emoji).

“And meet my partner in crime: @beatriceluigigmz (heart emoji). She is so Nice, Caring and REAL ! (smiling face with heart-shaped eyes emoji).”


Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa netizens na na-excite sa special bonding moments ng dalawang kandidata.

“Bea, focus muna tayo sa korona! Sige iuwi mo ng sabay ang korona at ang pagibig!”

“Bea crown ang iuuwi ah?”

“Luigi paalala lang yung Miss Universe crown.”

“Lovelife pala ang maiuuwi ni Luigi (laughing emojis).”

“That’s our girl. Strong & beautiful! (Philippine flag emoji).”

“Mukhang jowa ang maiuuwi (laughing emoji).”

Gaganapin ang grand coronation night ng 2021 Miss Universe sa Red Sea resort sa Eilat, Israel sa  darating na Dec. 12 (Dec. 13 Philippine time).

Kung nais n’yo namang makapasok agad sa Top 16 si Bea, bumoto lang kayo sa vote.missuniverse.com.

Madlang pipol nagdiriwang sa pagkapanalo ni Beatrice Luigi Gomez

Bea Gomez dedma pa rin sa isyu ng lovelife, excited nang lumaban sa 2021 Miss U: I’m ready to fight!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending