Loyal fan ng ‘Bubble Gang’ nagkaroon ng cancer at Bell’s Palsy, tinamaan pa ng COVID-19
Ayeka Dacillo, Paolo Contis at Michael V
MARAMING naantig at na-inspire sa kuwento ng isang loyal viewer ng “Bubble Gang” na bukod sa pakikipaglaban sa cancer at pagkakaroon ng Bell’s Palsy ay tinamaan pa ng COVID-19.
Grabe ang pinagdaanang mga challenges sa buhay ni Ayeka Dacillo na isang certified “Kababol” at dalawang dekada na ring tumututok sa longest-running gag show sa bansa.
Ibinahagi ni Ayeka ang kuwento ng kanyang buhay sa 25th anniversary presentation ng “Bubble Gang” nitong nagdaang Biyernes kung saan inamin nga niya na matindi ang mga pagsubok na hinarap niya mula nang ma-diagnos ng iba’t ibang karamdaman.
Aniya, bukod sa pagpapagamot sa kanyang mga sakit, napakalaki ng naitulong sa kanyang mental health ng pagiging avid fan ng gag show nina Michael V.
Sey ni Ayeka, mahigit dalawang dekada na siyang nanonood ng “Bubble Gang”, “Taong 1997 fan na po talaga ako ng Bubble Gang dahil sa ate ko po, kasi siya ‘yung nagpanood sa akin.”
Kuwento niya, nangibang-bansa siya noon para matulungan ang pamilya at mabigyan ng magandang buhay ang 11 niyang mga kapatid.
“Labindalawa po kaming magkakapatid, pang-apat po ako, sa labindalawa ako po ‘yung kasa-kasama ng magulang ko, noong namatay na po si tatay nai-stop po kami sa pagtitinda sa Divisoria, dahil si nanay po nawalan na po nang gana maghanap-buhay.
“Doon ko po naisipan na mag-trabaho sa Kuwait. Ang trabaho ko po sa Kuwait ay massage therapist po ako at the same time nagma-manicure at pedicure doon para doble income po ako,” lahad pa ni Ayeka sa “Bubble Gang.”
Patuloy pa niyang kuwento, “Kapag time na breaktime po namin na sa sobrang pagod, nanood po ako ng Bubble Gang, nawawala po ‘yung pagod ko, nawawala po ‘yung stress ko.”
View this post on Instagram
Nang magkaroon ng pagkakataon, nagdesisyon si Ayeka na umuwi ng Pilipinas, “Nagbakasyon po ako sa Philippines, nu’ng pabalik na po ako sa Kuwait bale hindi na po ako nakabalik, dahil po gawa po ng pandemic.
“Pagpasok po ng January, 2021 nagkaroon po ako ng sakit na ang karamdaman na Bell’s Palsy po muna. Sumunod na naramdaman ko po cancer po stage one,” sabi pa niya.
Pero hindi pa rito nagtapos ang pagsubok kay Ayeka dahil nahawa rin daw siya ng COVID-19, “So, ‘yung pangalawang chemo ko pa lang po nagkaroon po ako ng COVID.
“Ang payo po sa akin ng doctor ko bawal po raw ako mai-stress, bawal po ako mapagod, bawal po ako malungkot. Kaya nanonood ako ng mga gag show, saktong-sakto nanonood na ako lagi ng Bubble Gang. So malaking tulong sa akin,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/295102/tropa-ng-bubble-gang-na-starstruck-kay-bea-grabe-ang-galing-galing-niya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.