Aiko super happy, naipa-laser na ang tahi sa noo wagi pang best actress sa Dangal ng Lahi 2021 | Bandera

Aiko super happy, naipa-laser na ang tahi sa noo wagi pang best actress sa Dangal ng Lahi 2021

Reggee Bonoan |November 30,2021
facebook
share this

Aiko super happy, naipa-laser na ang tahi sa noo wagi pang best actress sa Dangal ng Lahi 2021

Reggee Bonoan - November 30, 2021 - 04:18 PM

Aiko Melendez

NAWALA na ang agam-agam ni Aiko Melendez dahil sa wakas ay na-laser na ang tahi sa pagitan ng kilay at noo sanhi ng pagkakadulas niya sa banyo noong huling linggo ng Agosto.

Mabuti na lang at naitakbo siya agad ng anak niyang si Andrei Yllana sa hospital para mabigyan ng lunas dahil nga hindi humihinto sa pagdurugo ang kanyang sugat

Idinadaan ng aktres sa bangs kaya hindi masyadong napapansin ang tahi pero hindi nawawala sa isipan niya na may something sa kanyang mukha.

At ngayong araw ay na-laser na ito base sa post niya sa kanyang Instagram account. Ibinahagi ng aktres ang larawan niyang nasa clinic siya at may caption na, “It’s been awhile. Finally my much needed ME time at the @theiconclinicph. After getting my go signal from @docyappy laser time for my 11 stitched forehead (praying hands emoji), thank you also Dra. Viel and nurse Sharon.”

May nag-comment naman na mukha raw bumata si Aiko sa get-up niyang pullover, pants at sneaker.

Binati rin ng BFF niyang si Gelli de Belen ang kanyang suot, “Cute ng top mo Mare @aikomelendez.”

View this post on Instagram

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


Samantala, isa pang dahilan kaya masaya si Aiko ay dahil katatanggap lang niya ng tropeo mula sa Dangal ng Lahi Awards 2021 bilang Most Versatile Actress of the Decade na binubuo ng educators.

Nitong Nob. 27 ginanap ang awards night sa Okada Manila, “Maraming Salamat po sa Dangal ng Lahi sa pagkilala po sa akin bilang Actress of the Decade. Napakalaking karangalan po ito para sa akin. At gagawin ko po itong inspiration. I am humbled.”

At siyempre kaya hindi nawawala ang kanyang mga ngiti ay dahil maganda ang survey sa kanya bilang kumakandidatong konsehal ng District 1 ng Quezon City.

Aiko naaksidente sa loob ng CR matapos kumain ng spicy ramen: Malalim ‘yung sugat at putok ng ulo ko

MMFF 2021 Parade of Stars aariba sa Pasig River; Aiko gagawaran ng Dangal ng Lahi award

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending