Elmo Magalona nalaos, nakarma nang iwan si Julie Anne | Bandera

Elmo Magalona nalaos, nakarma nang iwan si Julie Anne

Alex Brosas - September 13, 2013 - 03:00 AM

Julie Ann San Jose at Elmo Magalona

Naloka naman kami sa nabasa namin sa Twitter na secretly daw ay mag-on sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

Tawa kami nang tawa nang mabasa namin ito. Kasi naman, it is BEREFT of truth.

Kung magdyowa sila, eh, di dapat inamin na nila ‘yan noong nagpo-promote pa sila ng movie nila together.

Isa pa, si Lauren Young ang totong girlfriend ni Elmo at hindi si Julie Anne, ‘no. Kung magdyowa nga ang dalawa, bakit balitang-balita na tinanggihan ni Elmo na makasama si Julie Anne sa isang soap ng GMA kaya pinalitan na lang siya?

Naku, napaglalaruan lang ang mga fans, ‘no. Actually, parang malaki ang nawala kay Elmo nang hindi na sila pagsamahin ni Julie Anne. Nagkaroon lamang naman ng interest sa kanya ang public nang maipareha siya sa dalaga.

Aminin natin na napag-uusapan lang sila sa mga tabloid at blogs kapag sila ang magkatambal, tingnan n’yo ngayon, nasaan na ba si Elmo? Ano na ang nangyari sa career niya? We’ve heard na may kaartehan din kasi ang lalaking ito, idagdag pa ang demanding niyang nanay, sa tingin n’yo may matutuwa sa kanila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending