Julia, Gerald magsasama kayang muli sa isang pelikula?
MARAMI sa mga supporters ng real life couple na sina Julia Barreto at Gerald Anderson ang humihiling na sana ay magkasamang muli ang dalawa sa isang pelikula.
Ito ay matapos mag-post ni Direk Paul Laxamana ng litrato sa kanyang Instagram kasama ang mag-dyowa.
Si Direk Paul Laxamana ang direktor ng pelikulang “Between Maybes” kung saan unang nagtambal sina Gerald at Julia.
Mapapansin sa comment section ang sunud-sunod na requests ng JuRald supporters na magkaroon ng part 2 ang “Between Maybes”.
“Reunion movie direk please!”
“Part 2 pleaseee Direk! I love Juju (Julia) and Gerald so much. This post made my day today! Ive been waiting to see them both – sooo lovely as always.”
“Yessir!! Petition for reunion Direk!!”
Ilan lamang ito sa mga comments sa post ni Direk Paul.
View this post on Instagram
May ibinahagi ring mga litrato ang direktor sa kanyang IG story. Isa rito ay selfie nila ng aktres kung saan pinuri niya ang dalaga.
“Julia Barretto’s effort to create and perfect her character in our upcoming movie are simply praiseworthy,” saad ng direktor.
Sa kasalukuyan ay may ginagawang pelikula sina Direk Paul at Julia ngunit wala pang kumpirmasyon kung kasama nga ba rito si Gerald Anderson.
Sa ngayon ay abala si Gerald sa kanyang bagong teleserye na “Hello, Heart” kung saan kasama niya si Gigi de Lana na ipapalabas exclusively sa iQiyi Int
Bukod naman sa shooting ng pelikula ay abal si Julia sa kanyang bagong business na ni-launch niya noong Oktubre.
Related Chika:
Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach
Julia ayaw nang balikan ang araw nang magpaalam sa yumaong lolo; may inamin tungkol kay Claudine
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.