Janine gustong makilala ng tao sa talento: I always wanted to be more than just pretty... | Bandera

Janine gustong makilala ng tao sa talento: I always wanted to be more than just pretty…

Therese Arceo - November 25, 2021 - 04:06 PM

Janine gustong makilala ng tao sa talento: I always wanted to be more than just pretty...

MARAMI ang nagulat sa naging paglipat ni Janine Gutierrez sa Kapamilya network sa kabila ng kawalan nito ng prangkisa.

Amin niya kay Tito Boy sa “The Boy Abunda Talk Channel”, marami ang humanga dahil naging matapang siya kahit walang kasiguraduhan sa lilipatan ngunit matagal na raw niya itong pangarap.

“It is something that I had been planning to do na talaga and I was surprised worh their reaction when I did get to do it na sinabi ng mga tao na ‘ang tapang nung ginawa ko’ and ‘kakaiba na lilipat siya kung kailan walang prangkisa, walang channel’. I didn’t even considered that. I just really wanted to be part of the network,” pagbabahagi ni Janine.

Dagdag pa niya, excited siya sa naging paglipat dahil naniniwala siya na mas mae-explore pa niya ang kanyang talento.

“That’s what really excites me a lot moving to ABS-CBN kasi pakiramdam ko ang daming pwedeng mangyari, ang daming pwedeng possibility,” saad ni Janine.

Kuwento pa niya, bata pa lang raw siya ay ramdam na niya sa kanyang puso na talagang gusto na niyang pasukin ang mundo ng showbiz ngunit may pagdadalawang isip lalo na at halos lahat ng kanyang kapamilya ay nasa industriya.

“Ever since I was a kid, gusto ko na talagang mag-artista. Hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil in my head, ‘Saan ba ako lulugar? Nandyan na silang lahat’,” pagbabahagi ni Janine.

“So I pushed it down for a very very long time hanggang sa tumanda ako and natanggap ko lang siya ng buong-buo noong choice ko na siya. Na ako ‘yung may gusto hindi dahil ang daming nagtatanong. Hindi dahil that was expected of me. It was because I want it,” dagdag pa niya.

Aniya, hindi naman sa ayaw niya na mula siya sa kilalang pamilya ngunit gusto rin niya na makikala siya bilang siya, bilang Janine, at hindi bilang anak o kamag-anak ng kilalang artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

“I am proud to be part of this family and I love them all so much and I admire them all so much. Ang hinahangad ko lang ay sana ‘wag lang ‘yun ang mapansin nila tungkol sa akin. I wanna be worth more to my family and to other people.”

Isa rin sa mga ayaw niyang mangyari ay makilala lang siya ng mga tao dahil sa kanyang magandang mukha ngunit aminado naman siya na advantage ito sa kanya bilang artista.

“I can’t deny that it is an advantage pero when I was also starting kasi, whenever I would have a TV show that would come out then ang reaction sa Twitter, maganda ako, pakiramdam ko kulang ‘yung ginawa ko. Na ang nakita lang nila ay ‘yung itsura ko, hindi ‘yung nararamdaman ko.

“That’s why I always wanted to be more than just pretty, more than just ‘anak ni Lotlot’, ‘Apo ni Pilita’. I really wanted to make it known na deserve ko kung ano ‘yung pagkakataon na ibinibigay sa akin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay masaya si Janine sa takbo ng kanyang karera at sa katunayan ay nagsisimula na ang season 2 ng kanyang teleseryeng “Marry Me, Marry You” kasama sina Paulo Avelino at Jake Ejercito na mapapanood mula Lunes hanggang Byernes ng gabi sa Kapamilya channel.

Mayroon rin itong pelikula na pinamagatang “Ngayon Kaya” kasama si Paulo Avelino na nagkaroon na ng teaser video noong 2020 ngunit naantala ang pagpapalabas nito sa sinehan dahil sa COVID-19 pandemic.

Related Chika:
Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga…
Janine Gutierrez may kwelang ‘before and after’ photo; hindi inaakalang mag-aartista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending