Mr. Politician namakyaw ng pampaswerte para manalo sa 2022 | Bandera

Mr. Politician namakyaw ng pampaswerte para manalo sa 2022

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
November 25, 2021 - 01:09 PM

Kanya-kanya nang diskarte ang mga pulitiko para ligawan ang mga botante at matiyak ang kanilang panalo sa darating na halalan.

May mga gumagamit pa rin ng old style campaigning tulad ng house-to-house visitation, paggamit ng tarpaulin, townhall meetings at iba pa.

Yung mga medyo techie mag-isip ay nagtatayo ng troll farm para paganahin ang kanilang pangangampanya online.

Lahat ‘yan ay ginagawa na ngayon ng isang gubernatorial candidate sa isang malaking lalawigan sa Luzon.

Bagama’t medyo nakalalamang siya dahil siya ang incumbent governor ay ayaw pa rin niyang pakasiguro lalo’t dating kakampi at malakas rin na pulitiko ang kanyang makakaharap sa 2022 election.

Napansin ng kanyang mga tagasuporta ang sangkatutak na beads at bracelets sa kamay ng ating bida.

Sa kanilang pagtatanong ay kanilang nabisto na niresetahan pala si Gob. ng isang feng shui expert ng iba’t ibang uri ng pampaswerte at proteksyon.

Hindi bababa sa pitong uri ng lucky charm bracelets ang nasa magkabilang kamay ng ating bida at lahat daw ng mga ito ay may purpose ayon sa kanyang mga alalay.

Maging ang opisina ni sir ay puno rin ng lucky charm at ‘yun daw ay para matiyak ang tuloy-tuloy niyang paglilingkod sa mahal niyang lalawigan.

Biro nga ng aking cricket, tiyak raw na mananalo ang ating bida kung gagamitin niya ang ipinagbabawal na “magic” sa halalan na kung tawagin ay dayaan.

Di na kailangan ng clue dahil sikat ito lalo na sa mga mahihilig sa mga pulitikong macho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending