Rabiya: Kung magbo-boyfriend ako sana non-showbiz, tapos itatago ko na lang po... | Bandera

Rabiya: Kung magbo-boyfriend ako sana non-showbiz, tapos itatago ko na lang po…

Ervin Santiago |November 22,2021
facebook
share this

Rabiya: Kung magbo-boyfriend ako sana non-showbiz, tapos itatago ko na lang po…

Ervin Santiago - November 22, 2021 - 08:22 AM

Rabiya Mateo

IN FAIRNESS, kakapirma pa lang ng three-year contract ni 2020 Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo sa GMA 7 pero sunud-sunod na agad ang kanyang acting projects.

Bukod sa guesting niya sa ilang show ng Kapuso network, sasalang na rin siya sa taping ng weekly action-drama-fantasy series na “Agimat ng Agila” kung saan makaka-partner niya si Sen. Bong Revilla.

Hindi matatanggal ang unang leading lady ng senador sa book 2 ng “Agimat ng Agila” na si Sanya Lopez, kaya hindi totoong papalitan na niya ang aktres sa serye.

“Ako po, I consider myself na parang kunyari po kung si Sanya ang asin, I’m an additional ingredient sa ulam. Hindi ko siya mapalitan. Mahal siya ng tao. Siya yung nag-establish din ng agimat.

“So, ako nandu’n. And siguro I’m willing to learn something from both of them.

“Sana po, pag magkasama kami sa Agimat, mas mag-strong pa po yung friendship namin,” sey ni Rabiya sa ginanap na virtual mediacon ng GMA para sa pagpirma niya ng exclusive contract sa GMA.

View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Samantala, uunahin daw muna ng beauty queen ang kanyang showbiz career bago ang lovelife at kung sakaling magkaroon siya ng bagong boyfriend, baka raw “itago” muna niya ito sa publiko.

Kasabay nito, sumusumpa rin si Rabiya na maayos na raw ang relasyon nila ng dati niyang boyfriend na si Neil Salvacion dahil magkaibigan pa rin sila sa kabila ng paghihiwalay.

“Siguro, hindi ko naman po hinahanap yung pag-ibig and I learned my lesson from what happened in the past, yung issues in the past.

“Siguro po, if magbo-boyfriend ako, hindi natin masasabi. Siguro, sana non-showbiz, tapos itatago ko na lang po. Para at least, kasi hindi madi-discover ng public yung bagay na hindi nila alam,” paliwanag ng dalaga.

Aniya pa, “Marami pang nangyayari sa buhay ko, and that excites me. Kung darating, darating. Pag hindi, hintayin na lang natin. Baka na-traffic sa EDSA.”

Isa sa mga ultimate dream ng bagong Kapuso star ay ang mabigyan ng sariling bahay ang kanyang nanay sa Iloilo kaya naman todo ang suporta nito sa pagpasok niya sa showbiz.

“Sinabi niya sa akin, ‘If you really want this one, I’m gonna fight for you. ‘Just make sure na your mind and your heart are 100 percent in the perfect place in show business.’

“And I told my mom na, ‘I’m gonna take the risk. I’m gonna do it, kasi this is also my dream. I don’t wanna have regrets in life. I’m doing this for you guys as well.’

“Kasi, aminin po natin, mas madali po tayong makakaipon, mas malaki po yung opportunity na maibibigay po sa atin.

“So, ngayon po si Mama, supportive siya. But she’s in Iloilo with my brother. Ako lang po sa Manila, solo, independent,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago mag-taping para sa “Agimat ng Agila”, mapapanood muna si Rabiya sa darating na Sabado para sa bagong episode ng “Wish Ko Lang” kasama sina Jeric Gonzales at Kim Rodriguez na may titulong “Magkaibigan.”

Pia may ipinahiram na ‘agimat’ kay Rabiya para swertehin sa Miss Universe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending