Pabor ba sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa pakikipag-live in? Bandera

Pabor ba sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa pakikipag-live in?

Reggee Bonoan |November 17,2021
share this

Pabor ba sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa pakikipag-live in?

Reggee Bonoan - November 17, 2021 - 05:58 AM

Diego Loyzaga at Barbie Imperial

NAKATUTUWANG panoorin ang magkarelasyong Diego Loyzaga at Barbie Imperial habang isinasagawa ang virtual mediacon para sa pelikula nilang “Dulo” na idinirek ni Fifth Solomon.

Panay kasi ang yakapan ng magkarelasyon habang sabay nilang pinanonood ang trailer ng unang pelikulang pinagsamahan nila.

Halatang sobrang in-love ang dalawa kaya isa kami sa masaya para kay Diego, napakapositibo niya ngayon dahil maganda ang relasyon nila ni Barbie.

Mag-iisang taon na ang relasyon nina Diego at Barbie sa Dec. 11 at parang anniversary gift na sa kanila ang streaming ng “Dulo” sa Vivamax sa Dec.10 kaya sobrang saya ng dalawa dahil magiging memorable ang first movie nila together.

Ano nga ba ang nakita nila sa isa’t isa na dahilan para sobrang ma-in love sila, “Consistent naman ako sa mga interviews ko na ang nakita ko kay B (tawag kay Barbie)…ha-hahaha! Ang hirap pag katabi ko siya,” tumatawang sabi ng aktor.

Sa pagpapatuloy ng binata, “Sinabi ko sa sarili ko, If ever I date a girl gusto ko na I can see her as the mother of my children, so, kailangan may ganu’n siyang factor.

“And nakita ko ‘yun kay B, e, really, early pa lang sa relationship namin, nanliligaw pa lang ako sa kanya on how organized she is as a person when it comes to work. Oo tumatawa ‘yan pero totoo, hindi lang niya maamin.

“What’s the term? Maternal?  Sobrang caring niya like a mom, so, isa sa mga nagustuhan ko sa kanya,” aniya pa.


Say naman ni Barbie, “Nagustuhan ko po kay Diego ay sobrang totoo niya po na parang wala siyang pakialam kung ano ‘yung past mo ganyan o mga maling desisyons na nagawa ko noon ganito, ganyan.

“Siya ‘yung taong parang hindi ka takot na sabihin sa kanya kung ano ‘yung mga mabigat na nakakahiyang sabihin kasi tatanggapin ka niya at hindi ka niya idya-judge talaga based sa past mo, ‘yun ‘yung isa and sobrang maalaga niya po, sobra,” anang aktres.

Nakangiting nakikinig naman ang binata habang nagkukuwento si Barbie at sabay halik nito sa balikat ng dalaga.

Anyway, ang ganda ng kuwento ng “Dulo” na na isinulat at idinirek ni Fifth dahil hindi malayong nangyayari talaga ito sa totoong buhay ng dalawang taong nagmamahalan kaya natanong ang magkasintahan kung anong eksena sa pelikula sila nakaka-relate.

“I think everything naman kasi nakuwento rin naman sa amin ni direk Fifth at saka ‘yung mga sinusulat niya talaga relate ka ‘yung mga linya, ‘yun ‘yung mismong sinasabi ng maraming tao.

“I think lahat ng nangyari sa movie na ito sa Dulo nangyayari talaga in real life. Minsan may sinu-shoot po kami at napapa (sabi kami), ‘hala parang nangyari na ‘to sa akin noon, parang ganito rin and yeah lahat nangyayari talaga sa totoong buhay,” pahayag ni Barbie.

Natanong din sina Diego at Barbie kung okay sa kanila ang pakikipag-live-in na siya ring tema ng kanilang movie at ano ang masasabi nila sa ganitong set-up.

“I think with everything in life naman there’s a really big aspect of trial and error lalo na sa relationships the way that you guys could be in second month hindi na kayo ganu’n on six months, hindi na kayo ganu’n ng 12 months,” saad ng aktor.

Singit naman ni Barbie, “Minsan mas better pa kapag tumagal kayo kaysa sa una.”

Sang-ayon naman si Diego rito, “Yeah, kaysa sa una but over-all kasi it’s not just specifically just living-in. The story of the movie was ‘yung pinaka-problem namin was we didn’t know na individually hindi pa kami parang fully-grown or mature enough or even to be in a relationship.

“That’s the thing, eh. The status quo about everyday life you think to be complete you need somebody else to complete you. And it’s such a normal way of parang living life a way it’s so understood na ay kailangan kong maghanap ng dyowa para I feel loved but the thing is in real life you should be able to love yourself first.

Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…


“Para if ever you add someone to your life as a partner mas masaya and that’s actually the line of our character. And it’s so real,” dagdag pa niya

At ibinuking din ni Diego na isa raw sa linya nila sa script ay napulot ni direk Fifth sa kapitbahay niya na sobrang toxic pag nag-aaway at ganu’n daw katindi magmurahan.

Mapapanood na ang “Dulo” sa Dec. 10 sa Vivamax produced by Viva Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending