Cassy napa-‘OMG!’ sa litrato nina Mavy at Kyline

Cassy napa-'OMG!' sa litrato nina Mavy at Kyline

USAP-USAPAN ngayon ang litratong in-upload ng kakambal ni Cassy Legaspi na si Mavy Legaspi kasama ang kanyang ka-loveteam at crush na si Kyline Alcantara.

Nag-post si Mavy sa kanyang Instagram account ng mga litrato nila ni Kyline na may caption na “Sunflower, my eyes, want you more than a melody.”

May mga fans tuloy na nagsabing ‘wag nang malungkot si Cassy dahil nandyan naman para sa kanya ang singer-actor na si Darren Espanto.

Anyway, nitong nakaraang mediacon ng kanilang teleseryeng “I Left My Heart in Sordogon” ay inamin ni Mavy na nag-level up na ang kanilang relasyon ni Kyline.

Mukhang nasa ligawan stage na nga ang dalawa maski hindi nila ito direktang sinagot.

“Siguro, maybe. This is a very showbiz answer but I really enjoy his company. Like truly, from the bottom of my heart, I really enjoy his company as friends and as… Well, we don’t know the future,” sagot ni Kyline nang tanungin kung nililigawan nga ba siya ni Mavy.

Dagdag pa ng dalaga, si Mavy ang pinaka-gentleman sa mga lalaking nakilala niya.

Well, mukha namang walang problema kung magle-level up muli ang pagtitinginan ng dalawa dahil botong boto naman ang parents ni Mavy kay Kyline at mukhang ganoon rin ang pamilya ng dalaga kay Mavy.

Matatandaang sinagot ni Carmina Villarroel na pasado si Kyline sa kanya sakaling maging mag-dyowa sila ng anak niyang si Mavy namg tanungin siya ni Camille Prata sa “Mars Pa More with Pars Kim Atienza”.

Anyway, mapapanood ang dalawa sa “I Left My Heart in Sorsogon” mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa GMA 7.

Related Chika:
Mavy, Kyline magtatambal sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’; ex-Hashtag member Kapuso na rin
Kyline sa sweet moments nila ni Mavy: Yung nakikita n’yo sa socmed wala pong scripted du’n, promise!
Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy

Read more...