Claudine galit na galit sa pinuntahang ospital: Parang sasabog ang dibdib ko!

claudine barretto instagram live

GALIT na galit ang aktres na si Claudine Barretto sa isang hospital matapos umano siyang paghintayin sa emergency room.

Sa kanyang Instagram live nitong Lunes ng gabi ay hindi na napigilan ng aktres na mag-rant patungkol sa serbisyo ng isang ospital sa Quezon City.

Nagpasugod sa ospital si Claudine dahil sa sobrang sakit ng tiyan at katawan na nararamdaman niya.

“Hello my palanggas and Claudinians, I just had to share this with you guys kasi talagang parang sasabog na ang dibdib ko,” umpisa ni Claudine.

Kuwento pa ni Claudine, halos dalawang oras na siyang nag-aantay sa emergency room ngunit wala pa ring umaasikaso sa kanya.

“I’ve been waiting for… almost two hours and kaya nga emergency kasi nga dapat mabilis ‘di ba? Because I’m in so much pain, may sharp shooting pain ako sa stomach ngayon and my whole body is aching.

“So they me wait and thrn ang tagal ng doktor na nag-a-attend sa akin,” saad ni Claudine.

May kasunod pa ang kanyang video ngunit hindi na ito naririnig at tila naka-mute ang aktres na patuloy pa rin na nagsasalita ngunit makikitaan ng pagka-frustrated ang itsura nito habang nagra-rant.

Sa ngayon ay deleted na ang Instagram live ni Claudine ngunit may mga netizens ang nakakita at nakapag-record ng kanyang IG live at in-upload ito sa YouTube.

Sa ngayon ay wala namang sagot patungkol sa isyu ang nabanggit na hospital ng aktres.

Related Chika:
Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?
Claudine: Wala akong utang kay Ms. Jinkee Pacquiao!

Read more...