Claudine: Wala akong utang kay Ms. Jinkee Pacquiao! Bandera

Claudine: Wala akong utang kay Ms. Jinkee Pacquiao!

Therese Arceo |September 14,2021
share this

Claudine: Wala akong utang kay Ms. Jinkee Pacquiao!

Therese Arceo September 14, 2021 - 06:52 PM

CLAUDINE BARRETTO

KUMALAT ang balitang baon na raw sa utang ang beteranang aktres na si Claudine Barretto.

Bali-balita rin na malaki ang pagkakautang nito sa kaibigang si Jinkee Pacquiao na ninang ng anak nitong si Santino. Mayroon ring mga kumakalat na may business o transaction daw na pinasukan ang aktres at sa kasamang palad ay hindi ito nagtagumpay.

Agad naman itong nilinaw ng aktres sa pamamagitan ng kaniyang Facebook live.

“Alam niyo ho sa una kasi hindi mo naman papansinin pag ganyan di ba? Kaya lang minsan pag hindi na mamatay-matay ‘yung tsismis, nakakabother na rin.

“Unang-una kasi nakakahiya kasi nada-drag ‘yung pangalan ni Jinkee. Kaklaruhin ko ngayon pa lang na wala akong kahit na anong utang kahit na kanino, kahit kay Ms. Jinkee Pacquiao,” saad ng aktres.

Nakausap raw niya ang kaniyang kumare at humingi ng permiso na klaruhin ang isyu na ito dahil hindi maganda ang tsismis na kumakalat.

“Hindi ako mayaman pero hindi rin ako waldas sa pera,” dagdag pa nito.

Hiling nito na sana ay matapos na ang tsismis na kumakalat dahil aware naman ang aktres kung kanino nanggaling ang maling paratang sa kaniya.

Dito na nga pumasok ang nakatatandang kapatid ni Claudine na si Gretchen at tinanong ang aktres kung ano ang tsismis ukol sa kanya. Sinagot naman ito ni Claudine na diumano’y baon siya sa utang.

Nagpasalamat naman sina Claudine at Gretchen kay Jinkee dahil nilinaw nito ang isyu na walang utang ang aktres sa kaniya.

Amin naman ng aktres, hindi raw siya baon sa utang bagkus baon sa utang na loob sa mag-asawang Pacquiao dahil hindi pinabayaan ng mag-asawa ang mga anak ng aktres at all-out ito sa suporta sa kanila.

“Sinong nagkakalat niyan, babe? Hindi kaya ate mo?” tanong ni Greta sa kapatid.

“Bakit pag ako, ate mo talaga?” natatawang tanong ni Claudine.

“Bakit ka ba inaapi, ha? Tinawagan ka pa niya kagabi, ‘di ba? What time was that? Nasa cellphone mo. 2 something ng umaga tapos ‘yung boses ng ex-mayor nandon din ‘di ba?” matapang na saad ni Gretchen.

Isang netizen naman ang nagtanong kung sino ang tinutukoy ni Greta.

“One of these days po sasagutin namin ang lahat ng mga nangyayari because a lot of people are also curious kung bakit kami live nang live.

“Meron kaming mga gustong sabihin na nagpipigil pa kami. Ayaw namin ng away, we just want peace. There are things that we want to clear because kailangan. There are also some things that kailangan idaan din sa lawyer.

“Now, we’d rather not talk about it yet, para fair ‘yung trial na ‘yun. I feel like Claudine wants to clear her name and get justice,” pahayag ni Greta.

Marami tuloy sa mga netizens ang itinuturo si Marjorie base sa mga sinabi ni Greta.

Marami rin ang curious at tila nag-aabang kung ano ang sinasabi ng dalawa na kinakailangan pang ikunsulta sa mga abogado at may trial pa.

Bukas naman ang BANDERA sakaling naisin ng magkapatid na Barretto na magbigay linaw ukol sa mga isyung kinakaharap.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending