Tito Sotto, Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan
NAGLABAS ng saloobin kamakailan ang bunsong anak nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa na si Ciara Sotto sa pagtakbo ng cousin-in-law niyang si Sen. Kiko Pangilingan bilang vice-president sa 2022 elections.
Si Kiko ay asawa ng pinsan niyang si Sharon Cuneta na makakalaban nga ng kanyang amang si Sen. Tito next year.
Sa hininging reaksyon kay Ciara tungkol sa paghaharap ng tatay at kuya Kiko niya, ito ang nasabi ng aktres, “I prayed if I should voice out my true emotions when asked about Kuya Kiko running against dad for VP. I cried because I am so hurt and disappointed.
“It made me feel that my parents were of no value after all. Ate (Sharon) has always been considered and treated like a daughter by my dad and especially my mom.
“I will continue to pray for them, and of course, for my dad and his protection, wisdom, discernment, and I praise and thank God for giving me him as my earthly father.”
Kaninang umaga sa programang “Headstart” ni Karen Davila sa ANC ay nakapanayam niya si Sen. Sotto na nangunguna ngayon sa survey sa pagka-bise presidente ng bansa.
Tinanong si Tito Sen kung nakakapag-usap sila Sen. Kiko na makakatunggali nga niya sa pagka-bise presidente.
“No, we haven’t, I’ve been busy with the budget and we have never been together physically for quite a long time. Some of our colleagues 3 or 4 of our colleagues have never attended physically the senate since March of 2020, so there’s no chance,” pahayag ng daddy ni Ciara.
Sa tanong ni Karen kung kinausap siya ni Sharon o ni Kiko para ipaalam na tatakbong VP ang huli, “No, they did not,” kaswal na sagot ng senador at dating komedyante.
Ano ang naramdaman niya na makakalaban niya ang mister ng pamangkin ng asawa niyang si Helen, “Well, to each his own,” natawang sagot nito.
Sabay sabing, “That question would better be asked of my wife and my children. They have a different perspective. As far as I am concerned, sa akin I brush it off. But to them, it’s a big deal.”
Bakit nasabing big deal? “I hope you don’t mind, but you better ask them. Ha-hahaha!”
Natanong din kung ikakampanya si Tito Sen ng pamangking si Pasig City Mayor Vico Sotto, “At one point? I think so. Although he has already…as far as the national politics is concerned, he has said that he does not want to participate with his party.”
Dagdag pa niya, “Ang nakarating sa akin ay ganito, he (Vico) said he would not want to indulge or participate in the national politics of his political party because he has a relative running for a national post. That was his exact quotation. You can already gauge from that.”
Hindi rin pinalampas itanong kay Tito Sen na ang pamangkin niyang si Paulina Sotto-Llanes na anak ng kapatid niyang si Vic Sotto ay vocal sa pagsuporta kay VP Leni Robredo na makakalaban ng katandem niyang si Sen. Panfilo Lacson, ano ang reaksyon niya rito?
“Well, to each his own as I said, you know, we have decided Sen. Lacson not to discuss or talk about the other candidates so kung sinuman ang ini-endorse ng kahit sino okay lang ‘yun,” sagot ng senador.