Boy Abunda handang ikampanya ang mapipiling presidential candidate para sa Halalan 2022
Boy Abunda
MAY napupusuan na ring kandidato sa pagkapangulo para sa May, 2022 elections ang award-winning TV host na si Boy Abunda.
“Meron na akong napupusuan. But I’ll keep it to myself first, because hindi pa kumpleto ‘yung finalists (presidential candidates),” ang pahayag ni Tito Boy sa virtual mediacon para sa second season ng kanyang podcast na “Who Are You When No One’s Watching” na magsisimula na sa Nov. 18 sa Spotify.
“Will I share it? Eventually, I think,” aniya pa nang mapag-usapan nga ang tungkol sa issue ng substitution ng mga kandidatong tatakbo sa darating na halalan.
Natanong din ang veteran TV host kung willing ba siyang mag-endorse muli ng mga kandidato sa Halalan 2022.
“That needs to be talked about, that needs a conversation. Pero kung talagang kinakailangan, kung kinakailangan ang boses ko to push someone I passionately believe in, yes,” sagot niya.
Sinagot din ni Tito Boy ang tanong kung bakit marami pa ring artista ang hindi nakikisawsaw sa usaping politika at natatakot na isapubliko kung sino ang nais nilang suportahan sa darating na eleksyon.
“Remember, public figures are in the business of wanting people to like them. The more people liking you, the bigger you are, the more people watching your material, the more people buying your stuff, the more people watching your movies.
“Now, ‘yung opinionating, lalo na dito sa Pilipinas, we’re so polarized. Kapag nag-o-opinionate ang mga artista, it takes a lot of courage, a lot of bravado. Andiyan na nga ‘yung mumurahin ka, andiyan na ‘yung babastusin ka. Ang artista, takot ba diyan? Oo at hindi,” paliwanag pa ng award-winning TV host.
https://bandera.inquirer.net/294013/boy-abunda-magiging-kapuso-na-rin-tuloy-ang-negosasyon-sa-gma
Ilan sa mga celebrities na matapang na naglalabas ng saloobin tungkol sa political issue, kabilang na ang mga sablay at kapalpakan ng gobyerno bukod nga kay Tito Boy ay sina Angel Locsin, Vice Ganda, Agot Isidro, Enchong Dee at Liza Soberano.
“It’s peculiar to each one. Are they more expressive these days? May mga artistang gumigitna, may mga artistang maingay, may mga artistang sumusugal. Natural sa atin ‘yung tendency to protect,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/287673/boy-abunda-tatakbo-nga-bang-senador-sa-eleksyon-2020
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.