Direk Darryl Yap nahirapan sa mga baguhang artista sa 'Pornstar 2: Pangalawang Putok' | Bandera

Direk Darryl Yap nahirapan sa mga baguhang artista sa ‘Pornstar 2: Pangalawang Putok’

Reggee Bonoan |November 09,2021
facebook
share this

Direk Darryl Yap nahirapan sa mga baguhang artista sa ‘Pornstar 2: Pangalawang Putok’

Reggee Bonoan - November 09, 2021 - 07:13 PM

Darryl Yap nahirapan sa mga baguhang artista sa 'Pornstar 2: Pangalawang Putok'

OBVIOUSLY, kumita ang “Paglaki ko Gusto Kong Maging Pornstar” kaya may sequel, ang “Pornstar 2: Pangalawang Putok” pero sabi naman ni Direk Darryl Yap ay hanggang part 3 ito nu’ng ilatag niya kay Viva boss, Vic Del Rosario.

Sa isinagawang virtual mediacon ng “Pornstar 2: Pangawalang Putok” ay aminado si direk Darryl na ‘pera’ ang dahilan kung bakit niya ginawa ang Porsntar 1 at 2.

“What convince me to do the movie, money! It’s work and it’s actually a gauge that our first movie was a hit. So, doing the sequel is a not at all decision to make but automatic na pag ganu’n.

“Anong aabangan nila dito? Do’n sa una hindi sila nakahanap ng ilo-launch na pornstar dito nakahanap na sila na hindi lang isa kundi apat at kung paano nila ire-represent ang Pilipinas sa mundo ng contemporary porn.

“We are in the midst of cyber revolution. We are very technologically inclined unlike noon kasi ang porn puslit-puslit pa ‘yan, mga magazines, VHS tapes, DVDCD
Now at one click, in finger tips you can easily access things.

“So, how do become a relevant sexy star if porn is very much available, how will you have a career if people are seeing other artists giving their all. This is the advantage of having a Filipina actress that is well rounded.

“Ito ang dapat nilang abangan sa Pornstar 2 na ang mga artista natin ay totoong tao at dito ipapakita na kapag gumagawa sila ng mga love scenes na eksena iyon ay purely trabaho lang. Dito namin pinakita na posible.

“Actually, this is a sexy movie that is debunking sexy movies, eh. Kasi parang anti sexy movie kasi pinapakita namin na hindi naman totoong lumalapat, hindi naman totoong nahahawakan (private parts). So, this is a sexy movie thay is actually anti-sexy movie, so ganu’n ko mae-explain,”pahayag ng direktor ng pelikula produced ng Viva Films.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Ang mga batikang sexy star na sina Alma Moreno, Maui Taylor, Ara Mina at Rosanna Roces ang magtuturo sa apat na baguhang sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Cara Gonzales at Stephanie Raz.

Inamin ni direk Darryl na kung magaan ka-work ang apat na veteran ay nahirapan naman siya sa mga baguhan na inakala namin ay hindi makuha ang mga eksenang gusto niya, ibang dahilan pala.

Kuwento ni direk Darryl ay, “Itong apat na baguhan, sobrang bigat na katrabaho kasi naglalakad sa set ‘yan, nakikita ko ‘yung mga boobs nila. Sobrang hirap na hirap ‘yung kalooban ko.

“Nagrereklamo ako kay Boss Vic sabi ko, ‘Ayaw mag-robe ng mga artista natin! Ayaw mag-plaster!’

“Sabi ko sa kanila, ‘magtakip naman kayo!’ Ang sabi nila sa akin, ‘kasi direk kapag tatakpan pa, itatakbo pa ‘yung robe.’

Sinang-ayunan naman ni Ayana ang kuwento ng direktor nila.

“Naglalakad kami sa hallway nang nakahubad lang. Ayaw na naming isuot yung robe kasi pagpunta namin sa set, tatanggalin din naman. Same lang naman ‘yung mga tao na makakakita.”

Mga pangalan ng mga babaeng gumawa ng kasaysayan noong panahon ng himagsikan ang karakter nina Sab, Ayanna, Cara at Stephanie tulad nina Melchora, Trinidad, Josefa at Gabriela.

Bakit nga ba ginamit ang “pornstar” bilang titulo ng pelikula ni direk Darryl, e, hindi sexy star lang naman noong panahon nila sina Osang, Ara, Maui at Ness.

“Bakit ngayon conscious na tayo sa salita samantalang noon magpakita lang si mama Ness ng wet look, sasabihin nila pornstar na.

“The reason why I used pornstar is because it actually mirrors how society see the actors just doing sexy. It’s actually a judgment for the people.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ito’y sampal sa mukha ng mga masyadong konserbatibo nap ag nakitang nakikipaghalikan sasabihin na kaagad pokpok pornstar,” katwiran ng direktor.

Abangan ang journey ng newbies star ng Viva Films sa Pornstar 2: Pangalawang Putok sa December 3 sa Vivamax.

Related Chika:
Osang kinontra ang bashers ni Direk Darryl Yap: Hindi siya bastos, mabait na anak at loyal na kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending