Nadine bukas sa pakikipag-ayos sa Viva sa labas ng korte
MAY on-going amicable settlement negotiations pala si Nadine Lustre sa humahawak ng karera niya, ang Viva Artist Agency (VAA).
Base ito sa Twitter post ni TV Patrol correspondent MJ Felipe ngayong araw na open ang aktres sa amicable settlement sa VAA.
Matatandaang gusto nang bumitaw ni Nadine sa VAA sa kanyang ekslusibong kontrata na magtatapos sa Hunyo 2029 kaya sinampahan siya ng kasong breach of contract.
Pero tuloy pa rin ang movie contract ng dalaga sa Viva Films kung saan may pelikula siyang gagawin ngayon under Direk Yam Laranas kasama sina Diego Loyzaga at Epy Quizon na kung hindi kami nagkakamali ay sa Nobyembre 5 ang first shooting day nila.
Si Atty. Lorna Kapunan ang legal counsel ng aktres noong mag-file sila ng Motion for Reconsideration.
At ngayong araw, MIyerkoles ay naglabas ng official statement ang bagong mga abogado ni Nadine na sina Atty. Eirene Jhone E. Aguila and Atty. Gideon V. Peña.
Anila, “We confirm that there are ongoing negotiations to put an end to legal controversies between Nadine Lustre and Viva Artists Agency.
“While Nadine is confident about the strength of her legal position, she remains open to amicably settling with Viva and proceeding under terms that are fair and mutually beneficial. Like Viva, Nadine looks forward to continuing to provide quality entertainment to audiences both local and across the globe.
“Nadine trusts that Viva will remain true to its mission statement to empower and develop artists and their talents for the betterment of their careers and lives.”
Sa pagkakatanda namin ay pinalagan ni Nadine ang malaking porsiyentong hinihingi ng VAA bilang komisyon na 40% na base naman sa paliwanag ng legal counsel ng agency ay na si Atty. Paolo Roxas.
“It is made to appear that it is a commission bilang ahente lang ni Nadine pero ang katotohanan diyan, Viva invested a lot of resources in order to promote Nadine’s career and in exchange, they are entitled to recover those investments.”
Nabanggit pa na nag-reach out ang Viva sa aktres nu’ng gusto na nitong kumalas sa kontrata niya sa Viva para pag-usapan ang isyu, pero hindi na nakipag=usap ang dalaga.
Anyway, naging bahagi si Nadine sa Pop Girls ng Viva taong 2009 kung saan pumirma siya ng 5-year, exclusive contract with VAA.
Unang napansin si Nadine sa pelikulang Diary ng Panget na ipinalabas noong 2014 kung saan nakatambal niya ang ex-boyfriend niyang si James Reid.
At dahil nag-click ang nasabing pelikula ay muli siyang nag-renew noong 2014 sa panibagong 10 -year contract na magtatapos sa Hunyo 30,2024.
At base sa record ng Viva Artist Agency ay muling nag-renew si Nadine sa parehong kontrata ng panibagong 5-years kaya umabot ng 2029.
Related Chika:
Nadine naghahanda na para sa bagong pelikula ng Viva; makakasama sina Diego at Epy
Nadine sinupalpal ang netizen; naghahanda sa pagbabalik pelikula
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.