Sam Milby nagluluksa sa pagkamatay ng ama | Bandera

Sam Milby nagluluksa sa pagkamatay ng ama

Reggee Bonoan |November 03,2021
facebook
share this

Sam Milby nagluluksa sa pagkamatay ng ama

Reggee Bonoan - November 03, 2021 - 03:17 PM

Sam Milby nagluluksa sa pagkamatay ng ama

NAGLULUKSA ang pamilya ni Sam Milby dahil pumanaw na ang daddy niyang si Lloyd William Milby edad 87 na ipinanganak noong Oktubre 21, 1934 sa Dayton, Ohio USA.

Ayon sa kampo ni Sam ay nitong Martes, 6 p.m. oras sa Ohio at 11a.m. naman sa Pilipinas nalagutan ng hininga ang ama ng aktor at kasama niya ang mommy niyang si Elsie Ronquillo Lacia Milby at ate nitong si Eda.

Nakapiling pa ni Sam ang ama noong nagdiwang ito ng kaarawan niya noong Okt 21 dahil mula South Africa kung saan may photo shoot sila ng girlfriend nitong si 2018 Miss Universe Catriona Gray ay dumiretso na ito ng Ohio dahil nabalitaan niyang nasa hospital ang dad niya.

Hindi naman nakasama si Catriona sa Ohio dahil marami siyang commitment dito na kailangan niyang tapusin.

Klinaro ng kampo ng aktor na hindi COVID 19 ang ikinamatay ng ama at dala na rin siguro ito ng katandaan.

Sa kanyang Instagram ay pinost ng aktor ang larawang hawak niya ang kamay ng ama na ang caption ay, “Rest in peace dad…. love you.”

Bumaha naman ng pakikiramay sa pamilya Milby ang mga followers at kasamahan ni Sam sa showbiz industry.

Naunang nagpakita ng pakikiramay si @beaalonzo, “my deepest condolences (emoji praying hands).

Gayun din ang aktor na si Edgar Allan Guzman, “My deepest condolences brother (praying hands).

Praying hands din ang komento ng kapatid ni Sam sa Cornerstone Management na si Erik Santos.

Mula sa singer/producer na si @gabvalenciano, “My deepest condolences brother.”

Ang bestfriend ni Samuel na si @andersongeraldjr, “My brother, my deepest condolences.. Always here.”

Praying hand din mula sa manager ng aktor na si Erickson Raymundo.

Ang nakatrabaho at kaibigan ni Sam na si KC Concepcion, “ my family and I send our deepest condolences Samuel. until you meet again…”

“Hugs brother…” mula kay @jerichorosalesofficial.

Ang international star na si @msleasalonga, “Oh no, I’m so sorry, Sam… sincerest condolences to you and yours.”

Galing naman sa dating Presidente ng ABS-CBN na si Ms Charo Santos-Concio, “My deepest condolences.”

Hindi rin nakalimot sina Joseph Marco, John Prats, Hero Angeles, Rodjun Cruz, Isabel Oli-Prats, Moira at marami pang iba.

At siyempre hindi naman nawala ang babaeng pinakamamahal ngayon ni Sam na si Catriona, “Always standing with you in prayer (emoji praying hands).”

Mula sa BANDERA an gaming pakikiramay kay Sam Milby at sa buong pamilya nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today
Sam na-stress pauwi ng Pinas dahil sa biniling aso sa US para kay Catriona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending