Sam na-stress pauwi ng Pinas dahil sa biniling aso sa US para kay Catriona | Bandera

Sam na-stress pauwi ng Pinas dahil sa biniling aso sa US para kay Catriona

Reggee Bonoan |July 14,2021
facebook
share this

Sam na-stress pauwi ng Pinas dahil sa biniling aso sa US para kay Catriona

Reggee Bonoan - July 14, 2021 - 03:48 PM

DUMATING na sa bansa si Sam Milby galing Ohio, USA kung saan dinalaw niya ang kanyang mga magulang at nanatili roon ng mahigit isang buwan.

Pagkatapos kasi ng serye niyang “Ang Iyo Ay Akin” ay lumipad na ang aktor pa-Amerika para mas matagal niyang makapiling ang magulang na timing din dahil nagpunta naman ng Australia ang girlfriend niyang si 2018 Miss Universe Catriona Gray para makapiling din ang magulang na mahigit isang taon niyang hindi nakita at nakasama.

Bago umuwi ng bansa si Sam ay bumili siya ng pasalubong na fur baby para kay Catriona na isang Cavalier King Charles Spaniel na pinangalanan niyang Bailey.

Ayon sa aktor, binili niya ang aso  para raw may kalaro ang una niyang regalo sa dalaga noong Valentine’s Day ng 2020 na ang pangalan ay Theo na kapareho rin ang breed.

Hindi inakala ng aktor na hindi puwedeng basta lang niya iuuwi ng Pilipinas si Bailey kahit na may pasaporte pa dahil kailangan pala ay kumpleto ito sa mga bakuna at papeles na manggagaling pa rito kaya na-stress ang binata.

Base sa kuwento ng handler ni Sam na si Caress Caballero, “Ang daming documents na need tinulungan si Sam ng mga friends niya rito to complete all the papers saka ‘yung Vet doctor doon ni Bailey naki-cooperate rin, birthmate (tawag sa amin).

“Na-cute-an kasi si Sam kay Bailey kaya niya binili at bagay daw kay Theo. First time niyang bumili roon ng aso, so hindi niya alam na maraming requirements. Si Theo kasi dito niya binili sa friend na breeder,” sabi pa sa amin.

Isa pang ikina-stress ni Sam ay nang sabihing nasa carrier lang si Bailey at hindi niya makakatabi sa upuan, inisip ng aktor na mahaba ang biyahe at baka kung anong mangyari sa aso, mabuti na lang at umokey na makatabi niya ang fur baby nila ni Catriona.

“Hayun, ang saya-saya ni Sam-sam kasi kasama niya sa cabin si Bailey.  At pareho silang naka-quarantine ngayon sa hotel. Ha-hahaha!” masayang kuwento pa ni Caress.

Excited na rin si Catriona na makita ang bago niyang fur baby pero siyempre pagkalipas pa ng 10 days bago niya mayakap ang mag-ama niya (Sam at Bailey).

Samantala, kaya rin pala umuwi na rin ang aktor ay dahil may movie offer siya at iba pang product endorsements.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending