P4.7-B halaga ng service contracting payouts naibigay na sa mga driver, operator
MAHIGIT P4.7 bilyon na ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver at operators na kasama sa Service Contracting Program.
Base sa naitalang datos hanggang June 30, 2021, umabot na sa P1,907,192,708 ang kabuuang kabayaran at insentibo na naibigay sa mga tsuper at operator sa Service Contracting Program Phase I, habang P2,289,506,007 naman ang naipamahagi mula September 13, 2021 hanggang Oct. 23, 2021.
Sa ilalim naman ng Service Contracting Program Phase II, mahigit P539,672,859 na ang naipamahagi ng ahensya mula September 13, 2021 hanggang October 23, 2021.
Siniguro naman ni Transportation Secretary Art Tugade na magpapatuloy pa rin ang naturang programa sa bansa para makatulong sa mga driver.
Ayon pa sa LTFR, umabot sa 53,226,651 ang kabuuang ridership ng ‘Libreng Sakay’ para sa medical frontliners, APORs at iba pang essential workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.