Jesi Corcuera ipinakita ang surgery scars: Simbolo ng aking kalayaan Bandera

Jesi Corcuera ipinakita ang surgery scars: Simbolo ng aking kalayaan

Therese Arceo |October 28,2021
share this

Jesi Corcuera ipinakita ang surgery scars: Simbolo ng aking kalayaan

Therese Arceo October 28, 2021 - 07:17 PM

Jesi Corcuera ipinakita ang surgery scars: Simbolo ng aking kalayaan

INILARAWAN ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at trans man na si Jesi Corcuera ang kanyang surgery scars sa ilalim ng kanyang dibdib bilang “simbolo ng kalayaan”.

Sa kanyang Instagram account, taas noo nitong ibinahagi ang kanyang larawan na nagpapakita ng kanyang surgery scars sa nakalipas na operasyon.

“Hindi maitagong ngiti. Mga ngiti na walang katumbas na halaga. Maaring hindi niyo maintindihan ang sayang aking nararamdaman. Pero sa likod ng mga hiwa sa ilalim ng aking dibdib yan ang simbolo ng aking kalayaan,” saad ni Jesi.

Kuwento rin niya, ang nangyaring operasyon ay simbolo rin ng kanyang kalayaan sa mga mapanglait at mapanghusgang lipunan.

“Kalayaan sa mapanghusgang lipunan. Para sa mga tulad kong parte ng makulay na bahaghari wag kayong titigil makamit ang inyong kalayaan at kasiyahan,” dagdag pa nito.

Nagpaabot rin ng pasasalamat si Jesi sa mga taong lubos na nagpakita sa kanya ng suporta.

Maraming salamat sa suporta mula sa aking pamilya at sariling pamilya kasama ka @corcueracams At sa nag-iisang duktor na hindi sumuko at nagtiwala saakin… Mahal ko kayo!” pahayag ni Jesi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jesi Corcuera (@corcuerajesi)

Marami sa mga malalapit na kaibigan, pamilya, pati na rin ang partner nitong si Camille Corcuera ang nag-comment sa kanyang post.

“Mahal ka namin. Andito lang kami lagi para sayo. Mahal na mahal kita,’ saad ni Camille.

Proud of you brother!’ saad naman ni Luis Hontiveros na nakasama ni Jesi sa loob ng Bahay ni Kuya.

Unang nakilala si Jesi nang sumali ito sa GMA reality show na “Starstruck” noong 2006.

Matapos nito ay sumali rin siya sa “Pinoy Big Brother Lucky Season 7” kung saan binansagan siya bilang “Transman of the House ng Cavite” noong 2016.

Dito na rin naikuwento ni Jesi ang kanyang mga pinagdaanan bago siya tuluyang natanggap ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ngayon ay isa na rin siyang ganap na vlogger na may 269,000 subscribers.

Related Chika:
Ria Atayde sumailalim sa spine surgery; nagpasalamat kay Angel Locsin
Nadine Samonte payapa na ang loob; nakalagpas na ang pamilya sa pagsubok

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending